Book II: Chapter 8

1.9K 91 50
                                    

(🔝Photo of Alex Monterozo🔝)

Nang makarating na kami sa bahay namin ay niyaya ko naman siyang pumasok.

"Ahmm maybe next time Alex, may presentation pa kong gagawin for tomorrow eh." Sabi ni Caleb.

"Sige, salamat pala sa offer mo. I am really grateful na binigyan mo ako agad ng work." Sabi ko.

"No need, deserve mo naman talaga yung position."

"Ahm sige pasok na ko." Paalam ko sa kanya.

"Baka makalimutan mo, tomorrow 8am ang start ng work mo." Pagpapaalala ni Caleb.

"Hmm hmmm. Ingat ka."

As if namang makakalimutan ko na bukas na yung start ng work ko.

At dahil wala na naman akong kasama dito sa bahay at medyo boring, ay nanood na lang ako ng movies.

Pinanood ko yung Beauty and the Beast.

Sa hindi ko maipaliwanag ay kinilig ako sa theme ng movie.

Alam mo yung feeling na ang sarap pumasok sa world nila. Napaka-dreamy. At parang napakaperfect ng mundong ginagalawan nila.

Sa pagtatapos ng movie ay may something naman akong napulot. Na yung love pala ay never tumingin sa physical appearance. Kung true love nga ang pinag-uusapan.

Pero napaisip ako na hindi rin naman masama na minsan tumitingin ka din sa physical appearance ng isang tao. Wala eh, tao lang din ako, nagiging mapanghusga.

After kong matapos manood ay nagprepare na ako ng dinner namin nila Mama at Papa.

Nagluto ako ng chicken adobo, at yung dessert namin ay fresh fruits lang muna. Pampatanggal ng umay.

At saktong dating naman nila Mama at Papa ay natapos ko ng lutuin yung dinner namin.

"Oh anak bakit nag-abala ka pa." Sabi ni Mama.

"Ma, sanay naman akong magluto. At saka wala rin akong magawa kanina kaya ito, niluto ko ang isa sa mga pinagmamalaki kong dish."

"Hmmm mukhang masarap yan nak ah. Tara na nga at mahusgahan na natin yung pinagmamalaking luto ni Alex." Sabi naman ni Papa.

Hindi naman sa pagmamayabang ay sureball akong masasarapan sila sa niluto ko.

Sa tagal ko ding nagdorm ay natuto na rin ako kung paano kumilos sa kusina.

Naalala ko tuloy si Seb, siya kasi yung madalas kong judge sa mga niluluto ko.

"10 over 10 nak." Sabi ni Papa at nag-aprub sign pa.

"Oo nga anak, minsan nga turuan mo ako kung paano magluto ng ganitong adobo." Sabi ni Mama.

"Sige ma, next week. By the way ma at pa. Bukas na po yung start ko." Sabi ko sa kanila.

"Ah oo, hindi ba sinabi mo na yan last week yata?" Sabi ni Papa.

"Ahmm oo nga pala, hahahha excited na kasi ako."

Natapos na din yung dinner namin at after kong makashower ay umakyat na ako sa kwarto ko.

At doon ko nakita yung message sa akin ni Caleb.

(Text)

Caleb: Alex, remind ko lang na 8am yung magiging pasok mo. Good night <3.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang dapat kong itawag sa kanya. Sir ba or Caleb lang?

Alex: Sige po Sir Caleb. Good night din.

Natulog na agad ako para iwas late sa first day ko.

Nagising na lang ako sa lakas ng alarm tone ko. Papatayin ko na sana at babalik ulit sa tulog, pero naalala kong this is the fvcking first day of me, being an employee.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon