CHAPTER 17. What a kind?

1.1K 19 1
                                    


Chapter 17: What a kind? 

Pumunta kami sa labas ng venue at naghiwalay.

Mas mainam iyon para mas mabilis matapos at mahanap namin sila.

Naisip kong mapag-isa, nagrereklamo pa sila pero iniwan ko na sila doon at tinahak kong mag-isa ang garden field.

I'm sure may tao dito kanina. Di pwedeng magkamali ang mga mata ko.

Pumikit naman ako para maramdaman ang kanilang presensya.

Naramdaman kong nasa apat na katao ang nagtatangkang sugurin ako.

Mabilis ko naman kinuha ang dagger ko at tinapon sa likod.

At tama ako, buti na lang naunahan ko sya.

Nagsimula naman lumabas sa kani-kanilang mga lungga ang tatlo.

Mga naka-itim na suit at naka-shades.

Nagtataka ako sa suot nila kung bat ganon. Oo magtataka ka talaga, dahil baliw lang ang nagsusuot ng shades sa gabi.

Nilabas naman nila ang kanilang mga armas, napansin ko naman na may sumusubok na umatake sakin sa likuran ko, pero saglit natulala ako ng masilayan kong si Blue na kinitil ang buhay nito.

Nginitian nya at sumandal sa likod ko.

Mali ako, di pala apat ang nararamdaman ko kanina humingi pa sila ng reserba.

Anu bang nais nila?!

Akala ko late na akong protektahan ka. - Nakangiting sambit ni Blue para mapangiti ako.

Akala ko naging literal na katulad kana ni mom. - Sabi ko, nakita ko naman napakunot ang noo nya.

Sa halip na sagutin nya ako ay sinugod na kami ng mga lalaking naka-shades.

Nasa 15 na katao sila ngayun, I guess?

Naghiwalay naman kami ni Blue para mapatumba ang mga lalaki.

Nginisian ko naman yung lalaking may hawak na katana, tumakbo ako papunta sa kanya at nagslide pahiga para lumusot sa binti nya, nagulat sya sa ginawa ko kaya naman sinipa ko pwet nya at tumambling para makatayo.

Nag-sparring naman kami, di nagtagal ay siniko ko sya ng tatlong beses sa mukha para mahilo sya at kinuha sa kanya ang katana na hawak nya.

Humiwalay naman ako sa kanya ng kaunti at saka ko sya buong pwersa na sinipa sa mukha nya.

Dahil sa pagsipa ko ay natanggal ang shades nya pero napansin ko ang isang bagay na kumikislap banda sa sintido nito.

Kinuha ko naman ang natanggal na shades at tinago, pinagpatuloy ko naman kalabanin ang lahat ng lalaki hanggang sa maubos namin ito ni Blue.

I think madami pa sila. - Banggit ni Blue para lingunin ko sya.

What?! - I yelled.

Hanapin natin ang mga kasama natin. - Pang-aalok sakin ni Blue.

Kaunting tapak palang namin ay nakaramdam na ako ng kakaiba.

Mukhang may tumatarget sakin.

Nilingon ko naman ito, laking gulat ko naman na tama nga ako at pinutok nya ito mula sa kinatatayuan ko.

Akala ko katapusan ko na pero may yumakap sakin. Tinignan nya ako at nginitian at tsaka nya hinarap yung nagtangkang bumaril sakin at saka nya ito binaril sa ulo.

Dad, are you okay? - Pag-alalang tanong ko kay dad. Nagawa nya yun ng ganung kabilis? Di madadahilang ang bilis nila ay mas kasing bilis sa isang putok ng baril.

Nginitian naman ako ni dad at hinawakan ang pisnge ko.

Okay lang ang daddy, at isa pa naka-bulletproof ako. Laging ready ang gwapo mong daddy. - Malisyosong sabi ni dad kaya diko maiwasan mapailing.

Ayus lang kayo? We have to go. - Tanung ni dad.

Nakita ko naman si Blue na kausap rin si Tito Chad. My god! So that means kame ang target kanina?

Natauhan naman ako ng hatakin ako ni dad, nagpunta naman kami sa red building kung saan dun kami safe.

Pinauna naman kami ni dad pumunta doon, pero may nakaharang sa aming mga armadong mga lalaki.

Sinamaan ko naman sila ng tingin at kinalaban. 

May nagtangka naman humawak sa braso ko tsaka ko ito pinalag at sinipa sa mukha nya, nakaramdam naman ako na may nagbabalak na paluin ako sa batok ko pero may may sumalag nang yon. Si Green pala.

Masyado silang marame para silang minions. - Asik ng kapatid ko. Tama sya parang di sila nauubos parang silang clone na pag pinatay mo may darating na reserba.

Pero mukhang mga ordinaryo lang silang mga tao, mukhang pinagplanuhan nila ito at naninigurado silang mapapagod kame at makuha ang gusto nila.

Nakita ko naman papalapit samin si dad habang hawak ang isang baril at hinatak ako papasok ng building. Napakunot naman ang noo ko dahil di kame ni Green ang hinatak nya. Ako lang mismo ang nahatak nya. Wait what's going on? 

Stay here, wag kang gagawa ng kahit anong ikapapahamak mo. This time wag mo akong suwayin anak. - Sabe ni dad. Medyo napaisip ako sa sinabe nya pero diko pinansin yon sa halip ay tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabe nya.

Wala rin naman akong choice.

Nakita ko naman papalapit sakin si Lisa, Winter, at Pink.

So di lang pala ako inililigtas nila sa kapahamakan pati ren pala ang mga girls. 

Nasan si Christina? - Nakakunot kong tanong ng diko makita si Christina na kasama nila.

Di namin alam, basta ang alam ko kasama nya ang daddy nya. - Sabe ni Winter kaya napatango ako. Good.

Nakita ko naman nakikipaglaban si tito Mark at tito Bryan. Habang ang kanilang mga asawa ay nakaback-up lamang sa kanila.

Si mom at tita Jean ay kinausap yung mga napatumba nila para siguro malaman nila kung sino ang nagpasimuno nito sa halip naman ay napakunot ang noo ko ng makita kong nag-uusap sila dad at tito Chad na mukhang seryosong-seryoso ang pinaguusapan nila.

Bigla ko naman nahampas ang ulo ko sa ginagawa nila.

Dad, seriously?! dinala mo ba ako dito para makipagkwentuhan kay tito Chad?! - Inis kong tanong ng ikinamot ng batok ni nya at ngumiti sakin.

Nakita ko naman nag-peace sign sya sakin bago nya ako lapitan.

Sorry na Baby fries, kase nasabi sakin ng tito Chad mo na umamin na sayo si Blue. Tama ba? - Tanung nya sakin kaya naman humupa ang inis ko sa halip ay umangat ang dugo ko sa mukha dahil sa binitaw na salita ni dad. Ugh! 

Cut it out dad. Dapat di yan ang iniisip mo. - Sabe ko kay dad kaya naman napakamot sya ulit at nagpunta kila mom.

Ilang sigundo pa ay wala ng umatake samin. Sinimulan naman linisan ng mag tauhan ni dad ang mga kalat sa university at inimbistigahan.

Tingin ko may mali talaga sa mga tauhan na 'to. Parang may hinala ako pero dipa ako masyadong sigurado. Kailangan ko muna ng ibang impormasyon para makasiguro.

Natauhan naman ako ng maisip ko si Dark na naiwan ko, simula kanina diko pa sya nakikita. Nasan naman kaya nagpunta yon? Should i care about him? Ugh.

Whatever. 

----

Wala na akong maisip, tapos ito pa yung first time na mag-eedit ako sa computer. di ako makapag-focus TT . Sorry for this lame chapter. Babawe po ako. Hearteu! 

MICP 2 : Chasing The Ice Death Princess |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon