CHAPTER 36. Competitors

715 18 0
                                    


CHAPTER 36: Competitors.

3rd Person's POV

LET THE FIGHT BEGIN!

Sigaw ng MC para magsilapitan ang magkabilaang panig. Nakatayo lamang sa isang tabi sina Ice Death at Dark katulad nung sa kabilang panig. Nakapagdesisyon na sila Ice Death na sila ang lalaban sa huling kahera, sa huling tao na mismo ang team leader nito.

Malakas ang kutob ni Ice Death na pamilyar sa kanya ang iisa doon, hindi nya maisip kung saan at kung kelan nya ito nakita. Di sya marunong magkabisado ng mukha ng ibang tao sapagkat hindi naman nya ito kilala at nakakausap man lang.

Malakas talaga ang kutob ko na kilala ko ang iisa sa kanila.

Bulong ni Ice Death sa kanyang sarili. Napakunot naman ang kanyang noo nang makita nya itong nakangisi. It's a bit weird to know their true identities. Inalis na lang ni Ice Death ang pagkakatitig sa taong pinagduduhan nya at saka tinignan na lang nya ang mga kaibigan nyang nakikipaglaban.

They are good. Tama nga ako ng hinala sa kanila.

Napakunot na lamang ang noo ni Ice Death sa binanggit ng kanyang kasintahan ng tignan nya ito galing sa pagkakangiti.

What do you mean? - Tanong pa nito kay Dark.

Nothing, akala ko nagjojoke lang si dad e. - Napailing na lamang sya sa isinagot nito.

Tinignan na lamang ni Ice Death kung paano makipaglaban ang Black Generations. Napailing na lamang sya ng makita nyang nag-aaway pa yung dalawang magkasintahan na si Violet at Gian. Tsk!

What are they doing? - Tanong nito sa kanyang isip.

Ang cute nilang tignan. - Matawa-tawang sambit ni Dark na ikataas ito ng kilay ni Ice Death. 'Psycho' yun na lang ang ibinulong nya kay Dark kaya naman napangiti na lang ito ng nakakaloko.

Sa kabilang gawi naman ay nagbabangayan ang dalawa dahil naiinis si Gian kung bakit kailangan pang ngitian ni Violet ang nakakalaban nito.

Bat ba kasi kailangan mo pa silang ngitian?! Ako lang, ako lan- shit ka! Wag kang magulo! Alam na may kausap e! - Inis na sambit pa nito ng matapos nyang tadyakan sa mukha yung taong dapat hahampasin sya ng upuan sa ulo.

Ano ba kasing problema mo don?! Asset ko yun, hindi ba uso sayo yun? - Sagot ni Violet at tsaka nito hinawakan ang braso ng kalaban at inikot ito papunta sa likuran para ito ay mabalian.

Sa akin ka lang kasi ngumiti, dahil akin ka! AKIN KA! - Sigaw nito sa kanya at tsaka nya kinuha sa tagiliran ang kutsilyo nya at ibinato ito sa lalaking gustong paluin ng baseball sa ulo si Violet, diretso ito sa ulo kaya wala'y anu'ano itong natumba. Gian is a marksman, magaling sya sa malalayong target dahil don ay kaya nyang i-corner ang gusto nyang tamaan ng walang kahirap-hirap.

Halatang nagulat si Violet dun pero nawala ang lahat ng yon ng halikan sya nito ni Gian at tsaka rin kumalas para yakapain.

San kapa? Loyal na sweet pa. - Pagmamayabang pa nito para mapailing si Green dahil doon.

Ang galing dumamoves nung Gian na yon ah. - Sabi nito habang nakikipag-sparring sa lalaking may hawak na katana. It's too fair dahil wala namang kahit na anong hawak si Green dahil mano-mano lang sya makipaglaban. Nang macorner sya ng lalaki ay agad nya sana itong wawakasin ang buhay nito pero nagkakamali sya dahil mas naunahan pa sya ni Green dahil nung itataas pa lang nung lalaki ang katana nya para itatama nya ito sa kanya ay agad syang nagpunta sa likuran nito at malakas na hinampas sa batok para mawalan ito ng malay.

MICP 2 : Chasing The Ice Death Princess |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon