Special Chapter: Keep your promise

1K 22 2
                                    


Special Chapter: Keep your promise.

Dark's POV.

It's been a year.

Grabe, isang taon na pala ang nakakalipas na wala ka sa tabi ko, isang taon na hindi kita nakakapiling, isang taon na hindi kita nayayakap at nahahalikan. Isang taon na rin na sobrang miss na miss na kita.

Hindi ako makapaniwala na nangyare sa iyo to, sana.. sana ako na lang ang nasa sitwasyon mo at hindi ikaw.

I miss you so much, Cyanelle. - Sabi ko sa sarili ko, ang stupid ko. Asa naman na maririnig ako ng babaeng yon.

Aegi, isang taon na pala no?

Hindi ko mapigilan mapatingala sa langit, nandito ako sa park kung saan malapit lang sa GW, dito mismo nangyari kung saan dito na ako dumadamoves sa kanya, dito mismo yung sinundan ko sila sa laban nila ng kaibigan nya, dito mismo yung galit na galit sya sa akin dahil tinawag ko sya sa full name nya, dito mismo kung saan niyakap ko sya kaya nagulat sya.

Akalain mo nga naman na aabot tayo sa ganito, Cyanelle no?

Ang dami nating pinagdaanan pero hanggang dito na lang, hanggang dito na lang ba matatapos ang lahat?

Weak star, bakit ba pinapahirapan mo ako ng ganito? ito ba ang karma mo sa akin?

Mukha na akong tanga dahil sa ginagawa ko, hindi na ako ito. Hindi na ako ang Dark Xian Jeon na isang slayer na malakas at walang kinatatakutan. Pag iniisip ko yung mga nangyari noon doon sa hideout ng organization, hindi ko maiwasan magalit at mainis sa sarili ko.

Sinaktan ko sya nung araw na yon nung kontrolado ako, at wala man lang ako nagawa para pigilan ang sarili kong saktan sya, sinaktan ko ang babaeng mahal na mahal ko.

Yung pag inject sa kanya, wala man lang ako kaalam alam na nainject na pala sya nung gagong scientist na yon, wala man lang akong nagawa para malaman yon. Sana.. sana kung alam ko iyon sana nasa tabi ko sya ngayon at masayang masaya na kami.

Cyanelle, tapos na diba? Bakit kung kailan tapos na saka ka pa wala sa tabi ko.

Napakadaya mo talagang babae ka.

I clenched my fist hardly, was is too difficult? Talaga ngang mapaglaro ang tadhana.

Habang naglakad-lakad ako nalaman ko na lang nasa sementeryo na ako, pumunta ako sa puntod nya, nang makarating ako don, ay tinitignan ko pa ang lapida nya. Hindi ko tuloy maiwasan mapaiyak.

Lumuhod naman ako sa puntod nya at hinahawak-hawakan ang lapida nya, hindi ko na talaga mapigilang umiyak. Miss na miss ko na sya. Sya lang ang lakas ko sa mga panahong mahina ako. Kahit wala na sya nanatili pa rin sya sa puso ko, hindi maiaalis iyon at kailanman hindi iyon magbabago.

Hi, Mom. How are you?

Iyak lang ako ng iyak, kung kailangan ko ng karamay ngayon si mom iyon, sya lang ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Pero wala na sya, nawala sya dahil sa organization na iyon. Matagal ko ng kinamumuhian ang organization na iyon, at mabuti na lamang ay napagbayaran nila ang ginawa nila sa mom ko.

Ginawa nilang human experiment si mom, kaya hanggang sa ayon na comatose sya ng ilang buwan masyado ng conflict ang kondisyon nya tanging makina na lang ang nagpapabuhay sa kanya kaya nakadipende na lang sa kanya kung magigising sya o hindi.

MICP 2 : Chasing The Ice Death Princess |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon