Three

92 3 0
                                    

Chasing Love: Like.

* * *

Umuwi akong mag'isa pagkatapos ng eksenang 'yon. Hindi na kasi bumalik si Naveen. Hindi ko rin naman siya matawagan dahil pinatay niya ang cellphone niya.

"Bakit ngayon ka lang?" nagulat ako dahil nandito na siya! "Hindi ba't kaninang alas kuatro y'media kapa dapat?" taas kilay niyang tanong. "Hindi mo ba ako sasagutin, Amya?"

Bumuntong hininga ako bago sumagot... "Ngayon lang po ako nakauwi dahil hinintay pa po kita. Akala ko po kasi babalikan mo ako sa school, pero mukhang nakalimutan mo po na hindi ako nag dala ng sasakyan o driver." kumunot ang noo niya. "Opo, nag commute ako." dagdag ko tyaka siya nilampasan.

"Zahara.." tawag niya sa'kin habang paakyat ako. "I'm sorry okay?" hinawakan niya ang wrist ko at hinarap ako sakanya.

"I'm tired, Naveen. Let me go." malamig kong sabi pero hindi siya natinag.

"I'm sorry, Amya. I didn't mean to do that... I just can't.." he cut his own words, "What the hell is my problem?!"

"Yeah, ano ba kasing problema mo? Bakit kaba nagkakaganyan?!" inis na tanong ko sakanya. Tinignan niya ako bago sumagot..

"Alam ko..." huminto siya at bumuntong hininga. "Alam kong galing sakanila 'yon." nagulat ako sa sinabi niya, pero hindi ko pinahalata. "Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naging ganon ang reaksyon ko. Baka dahil kilala ko sila? At ayaw kong igaya ka nila sa mga babae nila.." tinignan niya ako tyaka siya ngumuso.

"Kuya..." hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. "I understand, but I don't get your point.."

"Babe, lalake ako at ramdam kong may gusto sila sayo. At natatakot ako.." hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "Mag bihis ka, kakain tayo sa labas. Pambawi." natawa pa siya sa sinabi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Zaccheus Naveen!!!" iritang sigaw ko habang pinapalo ang braso niya, tatawa tawa naman siyang umiilag.

"Hey! Stop it!!" natatawang saway niya.

"I hate you my dear twin!!!" sumeryoso naman ang mukha niya.

"Bawiin mo yung sinabi mo!!" inis na sabi niya, ngumisi ako. "Amya Zahara!" sigaw niya, tumawa ako at tumakbo sa kwarto ko, mabilis kong nilock ang pinto at tumawa ng malakas. "Humanda ka sakin!" sigaw niya sa labas.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Malapit na akong matapos magayos ng may kumatok.

"Just a minute!" sigaw ko at nag spray ng pabango tyaka kinuha ang bag ko. "I'm done!" I said while smiling widely. Laking gulat ko ng si Quentin ang nakita ko pagbukas ng pintuan ko, nawala ang ngiti sa'king mukha.

"Hi." he said while smiling. "You look good."

"What are you doing here?" I asked him coldly.

"Pinapasundo ka ni Zaccheus, nandon na kasi siya sa garden niyo." he's still smiling like an idiot. Nilampasan ko siya at mabilis na bumaba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, basta ramdam kong may gusto siyang itanong sa'akin.

"Zara... Wait." ani Quentin at hinawakan ako sa braso, napahinto ako sa paglalakad at humarap sakanya. "I... I know what you are thinking right now.. Pero, hindi kita pinag'iisipan ng masama, okay?" tinignan ko siya ng masama at ibinaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, mabilis naman niyang binitawan iyon kaya walang alinlangan akong umalis sa harap niya.

Hindi pinag'iisipan ng masama? Pero nagtanong kanina kung sino ba talaga ako? Weird.

"Babe!" tawag ni Naveen, tinignan ko siya ng masama kaya napangiwi siya. "What did you do to my sister?!" malamig niyang tanong kay Quentin. Nakita ko kung paano ngumiwi si Quentin.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon