Chasing Love: Home* * *
"Momma!" tawag ng tatlong taon gulang kong anak.
"Reeve!" natatawang tawag ko sa anak na kumakain ng cookies na gawa ko.
"Where's Dada?" kuryoso niyang tanong kaya tinuro ko ang kusina, kung saan nagluluto ng pasta ang kanyang Ama.
Nag request kasi ako ng pasta dahil bigla akong nagcrave. Napaigtad ako nang biglang hawakan ni Reeve ang pisngi ko.
"Momma..." napakurap ako. "You okay?" ngumiti ako at tumango.
"Eat your cookies now." tumango siya at nagpatuloy sa pagkain.
Dalawang taon na ang nakalipas mula nang mangyari sakin ang bagay na yun. Hindi ko parin lubos na maisip na magagawa ulit ni Megan sakin yun.
Ilang araw akong nagstay sa ospital dahil sa nangyari sakin. Hindi pinalampas nila Grayson at nila Naveen ang nangyari kaya pinakulong ulit nila si Megan, kasama sina Lena at Anna.
Sinigurado nilang hindi makakalabas ang tatlo sa kulungan.. nang makalabas ako sa ospital ay agad kaming bumalik sa LA para dito na makarecover. Naghanap ng magaling na derma si Saf, para sa mga sugat na natamo ko.
Humingi ng tawad ang magulang ni Megan sa nangyari. Hiyang hiya nga sila sa pinanggagawa ng anak nila. Hindi ko sila nakausap dahil si Grayson lang ang humarap sakanila.
"Baby..." napalingon ako kay Gray na may dalang dalawang plato. "Here's your pasta." ngumiti ako nang makita ang pasta sa harapan ko.
"Pasta!" si Reeve na mabilis iniwan ang cookies na kinakain at nagsimulang kumain ng pasta.
Hinalikan ni Gray ang buhok ko habang kumakain ako. Nilingon ko si Reeve na abala sa pagkain.
Kaming tatlo lang ang nasa bahay, nag stay kasi sina Naveen at Saf sa bahay nila Saf dahil namimiss na daw ng magulang ni Saf si Seth kaya naman pinagbigyan nila ang matatanda.
Matagal na kaming nagstay dito sa LA. Hindi pa namin naisipan umuwi dahil gusto kong nasa ligtas na lugar ang anak ko. Kahit na dalawang taon ng nakakulong si Megan, pati sina Lena at Anna ay hindi parin makampante ang kalooban ko.
Paminsan ay dumadalaw ang mga kaibigan namin para bisitahin kami nila Naveen. Natutuwa si Reeve tuwing maraming bata sa bahay. Silang dalawa lang kasi ni Seth ang bata sa bahay kaya minsan ay hinahayaan namin silang makipaglaro sa mga kapitbahay namin.
"You want to go home?" biglang tanong ni Gray kaya mabilis akong napalingon sakanya. "Gusto mo nabang umuwi sa pilipinas?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
Gusto ko ng umuwi para makasama ang mga kaibigan namin, at para dun lumaki ang anak. Alam ko rin naman gustong umuwi ni Saf pero hindi niya sinasabi dahil nageenjoy paraw si Seth dito.
"Think about it." mabilis niyang hinalikan ang labi ko tsaka ako niyakap. "I know you want to go back..."
"Gray." mahinang tawag ko.
"It's okay, love. Just think about it."
Ilang araw na ang lumipas mula nang itanong ni Gray 'yon. Alam kong gusto na niyang umuwi sa pilipinas dahil nandon naman talaga ang buhay niya. Ako lang naman ang sanay dito sa LA dahil dito ako lumaki. Isang gabi ay hinintay kong makatulog si Reeve bago kinausap si Grayson.
"Gray." nilingon niya ako. "Napagisipan ko na." tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Hm?"
"Uwi na tayo?" ngumiti siya at hinatak ako para mayakap.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.