Chasing Love: Cousin.
* * *
"Okay class, pass your papers." anang last subject prof namin. Sembreak na!
"See you next sem, enjoy your sembreak!" aniya at mabilis na lumabas ng room.
"Finally! Tapos na ang exam!!" tuwang tuwa si Kira.
"Hindi ka naman nag review." ani Avery habang nagaayos ng gamit.
"Whatever, Ave." ani Kira at lumapit sa kaibigan ni Liam na sina Kayden at Jackson.
"Hi, Kay.. Saan kayo nyan?" malambing niyang tanong.
"Akala ko ba type ni Kira 'yung basketball player?" takang tanong ko.
"You know her, Zhar." umiiling na sabi ni Divya habang sinusukbit ang bag. "So, saan tayo?" ngumiwi ako sakanya. Nangangamoy.....
"Bar!" masayang sigaw ni Kellen. I knew it.
"Kita kita nalang tayo mamayang nine pm?" tanong ni Avery.
"How's your exam?" tanong ni Liam paglapit sa'kin.
"Nahirapan ako." ngumuso ako at kinuha ang bag ko, pero naunahan ako ni Liam. "Kaya ko naman buhatin ang bag ko..."
"Ako na.." aniya at ngumiti sa'kin. "Nahirapan ka? Ts, ikaw paba?" natatawang aniya.
"Ts." dinig kong sabi ng isang tao kaya napalingon ako sa mga kasama namin Lahat sila nakatingin samin.
"Sama kayo, Li?" tanong ni Divya.
"Kung sasama si Zara, sasama ako." umirap si Div at Ave sa sinabi ni Liam.
"Eh kayo?" tanong niya kina Kayden..
"Yep! Sasama sila!" sagot ni Kira habang naka kapit sa braso ni Kayden.
"Yayain mo na mga kaibigan mo, hindi na bibitawan ni Kira yan." sabi ko kay Liam habang pababa kami.
"Hayaan mo, para naman magka girlfriend na si Kay." natatawang sagot niya sa'kin.
"Fuck you, Lopez!" natawa kaming lahat sa sinigaw ni Kayden, so narinig niya si Liam!
"Your mouth!" ani Jackson sa kaibigan. Napaka seryoso talaga niya.
"Whatever, De Leon." sagot ni Kayden sakanya.
"Text me kung saan, I'll bring Meg." ani Grayson at nagmadaling maglakad papunta sa sasakyan niya.
Pasakay na sana siya pero mabilis siyang hinatak ni Megan at hinalikan. Nanlaki ang mata ko dahil sinandal niya si Megan sa sasakyan at lalong hinalikan.
Bigla nalang nag init ang sulok ng mata ko, at nanikip ang dibdib ko. Shit! Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Get a room!" sigaw ni Kellen kaya napalingon silang dalawa samin.
Napaawang ang labi ni Grayson habang nakatingin sa'kin. Mabilis akong nag iwas ng tingin at naglakad papunta sa sasakyan ni Naveen.
"Zahara." bumuntong hininga ako at nilingon at tumawag sa'kin. "Let's go?" tumango ako bilang sagot. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya mabilis akong sumakay.
The heck? Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan? Hindi ko naman siya gusto diba? Kaibigan ko lang si Grayson!
Pag dating namin sa bahay, mabilis akong umakyat sa kwarto ko at nag hubad. Robe lang ang suot ko habang pumipili ng swimsuit. Lalangoy muna ako para makapag relax.
Nakapikit ako at hinayaan ang katawan kong lumutang. Hindi ko parin maintindihan ang nararamdaman ko! Ano ba to?
"ZACCHEUS NAVEEN!" dinig kong sigaw sa loob ng bahay kaya napamulat ako at umayos ng tayo, hindi ko maabot ang ilalim! Fuck! Nasa malalim akong parte!

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.