Chasing Love: Don't like...
* * *
"Zahara!! Yuhoo!! Nandito kami!!!" sigaw ng mga kaibigan ko sa labas. Napabuntong hininga ako bago tumayo sa kama ko.
It's five-thirty in the afternoon, tuesday! Well, hindi ako nakapasok dahil sobrang sakit ng puson at katawan ko. Nagpaexcuse nalang ako.
"OMG! Bakit ganyan ang itsura mo?!" nanlaki ang mata ni Kira pagkakita niya sa'kin.
"Naligo kana ba?" tanong naman ni Avery. Tumango ako at pumasok ulit.
"Magayos ka nga! Kasama namin ang mga boys!" humiga ulit ako sa kama ko at nagtakip ng kumot. "Bumangon kana dyan!" napakakulit talaga ni Kira.
"Dito kami matutulog, wala tayong pasok bukas." walang pasok? Bakit kaya?
"Bakit?" tanong ko kahit nakatakip ng kumot ang mukha ko.
"Well, tayong mga seniors lang naman. Ang sabi kanina, dahil may meeting sila with the owners." paliwanag ni Divya. "Bumangon kana, magluluto kami! Labas na kami ah!" narinig kong sumara ang pintuan ko.
Gusto ko ng chocolate at waffle. Hindi naman ako makabili dahil dinala ni Naveen ang susi ng sasakyan ko. Ayaw ko naman silang utusan dahil nahihiya ako. Umayos ako ng higa dahil masakit ang balakang ko.
Kinapa ko ang cellphone ko sa side table. Makapag facebook na nga lang muna. Nakita ko sa newsfeed ko ang post ni Kira.
Kira Almario: Trying to cook for our friends!
Ngumuso ako at nagtype.
Zahara Smith: Huwag magsusunog, okay? :*
Natawa ako sa comment ko. Ilang minuto pa ay nagcomment din sila Div at Ave.
Avery Clemente: Grabe po siya sa'min. :'(
Divya Harrison: Wait and see!!
Natawa ako sa comment nila, pero hindi na ako nagcomment ulit. Naisip kong magpost.
Zahara Smith: I want choco and waffle!
Nagscroll lang ako sa newsfeed ko, pero biglang nagrefresh kaya bumalik sa itaas. Kumunot ang noo ko sa post ni Grayson.
Grayson Salvador: Wait for me, A...
Pinatay ko ang cellphone ko at ibinalik sa table. Pumikit ako at huminga ng malalim.
Ilang minuto lang narinig kong bumukas ang pintuan ko pero hindi ko parin inaalis ang takip ng mukha ko. Naramdaman kong may umupo sa gilid ko. Binaba ko ang kumot, pero agad kong binalik dahil nandito si Grayson sa kwarto ko! Damn! Alam ko mukha akong wasted, dahil pagkatapos kong naligo kanina humiga agad ako kahit basa ang buhok ko. Ibig sabihin, magulo ang buhok ko.
"Hey... Bakit mo binalik ang takip sa mukha mo?" ramdam kong nakangiti siya.
"Uhh.. Nilalamig ako!" palusot ko, gumana ka please!
"Hindi naman masyadong malamig sa kwarto mo, nasa twenty-three degrees lang ang aircon mo." naramdaman kong hinawakan niya ang kumot. "Nahihiya kaba sa'kin?" tanong niya.
"Hindi ah!" napasigaw ako, natawa naman siya. Dahan dahan kong binaba ang kumot, napangiti siya ng makita ako.
"Okay kana?" tanong niya, ngumuso ako. "Oh? Don't tell me, masakit parin?" tumango ako at umupo habang inaayos ang buhok ko. "Uhh, I bought something for you." pinakita niya ang paperbag na dala niya. Kumunot ang noo ko.
"What's inside?" tanong ko, inabot niya sa'kin ang paperbag. Kinuha ko at tinignan ang laman. "What the..." bulong ko.
"I saw your post, kaya bumili muna ako bago nagpunta dito." paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.