Five

59 3 0
                                    

Chasing Love: Is He?


* * *

Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat habang pauwi kami ng bahay, I don't know kung paano ako natapos sa mga kailangan kong bilhin, ni hindi nga ako sigurado kung nabili ko ba lahat ng kailangan ko.

"Are you okay?" tanong ng kasama ko, hindi ko siya nilingon. "Uhm, about earlier I--" hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil tumunog ang cellphone niya, kinuha niya 'yon at sinagot.

"Yes bro?" hawak niya sa kaliwang kamay ang cellphone habang ang kanan ang naka hawak sa manibela. Kumunot ang noo niya at mabilis na nagsignal pa-kanan at nag park sa gilid ng kalsada.

"Uh-huh... I'm with her... Yes, we just went to mall para bilhin 'yong mga snacks... Uhh we're on our way home bro... I'm driving, nagpark lang saglit kasi kausap kita... Alright, be there in five."

Naramdaman kong nilingon niya ako, kaya nilingon ko rin siya.

"Why did you stop here? You can drive even though you're talking to someone on the phone. Edi sana nasa bahay na tayo." sabi ko sakanya.

"Bawal magcellphone habang nagda'drive." bumuntong hininga siya, hinawakan niya ang kamay kong nakapahinga sa hita ko at tinignan ako ng seryoso. "He... Uhh, fuck... He's outside your house." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What?! Are you serious?!" oh damn! What was he thinking?! Galit parin si Naveen sakanya! "Lets go, please..." dahan dahan siyang tumango at nagdrive na ulit habang hawak hawak ang kamay ko.

Mabilis lang kaming nakarating ng bahay. Maliwanag ang buong bahay, sa tingin ko ay nasa loob sila. Pinark muna niya ang sasakyan tyaka pinatay, nilingon niya ako.

"I want to stay beside you.." humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Let me, please." marahan akong tumango. Mabilis niyang binitawan ang kamay ko at bumaba, pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagbaba ko, hinawakan niya agad ang nanlalamig kong kamay.

"I won't leave your side, alright? Just relax." tumango ako at hinawakan ng mahigpit ang wallet ko. Naglakad na kami papasok ng bahay.

Pagdating sa may pinto, sinalubong kami kaagad ng kasambahay, binigay niya ang susi ng kotse ko para kunin ang mga pinamili namin.

Bumungad sa'min ang tahimik na sala, wala sila rito. Nilingon niya ako.

"Backyard." tumango siya at naglakad papunta sa likuran. Damn, kinakabahan ako!

"What are you doing here?" dinig kong tanong ng kambal ko. "You fucking asshole! Leave my sister alone!" sigaw niya kaya nagmadali kaming lumabas ng bahay, tumambad sa'kin ang kapatid ko habang hawak hawak ang collar ng isang lalake! Ang mga kaibigan ko ay nasa likod ni Zachary, habang ang mga kaibigan ni Naveen ay nasa likod ng kanyang kausap.

"Naveen!" sigaw ko kaya napatingin sila sa'min, tyaka niya tinulak ang kausap. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko tyaka marahan hinila papunta sa likuran ni Naveen.

"Zara.." tawag niya sa'kin at akmang lalapitan ako pero inilagay ako ng lalaking kasama ko sakanyang likuran.

"I told you to leave my sister alone, umalis kana rito." madiin' sabi ni Naveen. Si Zachary ay nakatayo lamang sa gilid niya at seryosong nakatingin sa'min.

"Naveen, let me talk to her. Please! It's been two years!" pagmamakaawa niya sa kapatid ko.

"Umalis ka sa harapan ko bago pa kita mabugbog." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Naveen, alam kong gagawin niya 'yon kapag nag init ang ulo niya. Mabilis kong binitawan ang kamay na nakahawak sa'kin at pumagitna sakanilang dalawa.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon