Chasing Love: Break?* * *
I'm busy arranging papers and folders here in office when I heard a knock.
"Come in."
"Ma'am." nilingon ko si Kean, kumunot ang noo ko nang iabot niya sa'kin ang isang piraso ng sunflower. "May nagpapabigay po."
"Sino?" tanong ko habang tinitignan ang sunflower. Hindi niya'ko sinagot, ngumiti lang siya at lumabas na.
Umupo ako sa swivel chair at nilapag ang bulaklak sa mesa. Kanino naman kaya galing 'to?
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko na nasa mesa kaya kinuha ko at binuksan ang message.
From: Grayson Ryker
Don't forget to smile. I hope you like it. See you later. ;)
Napangiti ako sa text niya. Hindi na ako nagabala pang mag reply dahil magkikita naman kami mamaya.
Hindi ko alam kung ilang oras ang ginugol ko sa pagpirma ng documents at pagbasa ng bagong recipe na binigay nila sa'kin.
Tinignan ko ang wrist watch ko at nakita kong eight pm na. Napahilot ako sa sentido ko at inayos ang damit ko bago lumabas ng opisina.
Nagpaalam ako sa mga staff bago umalis ng resto at mabilis na nagmaneho pauwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay maingay na sila kaya nagmadali akong maglakad papunta sa backyard.
"Finally!" sigaw ni Kira at Divya pagkakita sakin, lumapit ako sakanila at bumeso.
"Sorry, madami lang akong inasikaso."
"By the way, happy valentines day!" sabi nila at niyakap ako.
Its valentines and we're celebrating it all together.
"Nasaan sila?" tanong ko at nilingon ang buong lugar, wala ang mga boys.
"Sila daw ang taya ngayon, kaya nandun sila sa kitchen at nagluluto." napakunot ako ng noo, walang marunong magluto sakanila. Nilapag ko ang bag ko sa upuan at pumasok ng bahay.
Pagpasok ko sa kitchen ay halos malula ako dahil sobrang gulo.
"What the..." bulong ko kaya napalingon silang apat sa'kin.
"Hi!" bati ni Naveen at lumapit sa'kin. "Happy valentines." hinalikan niya ako sa noo tapos pinagpatuloy na ang ginagawa.
"Happy valentines, Zahara!" bati nila Kellen at Quen. Ngumiti ako at binati din sila. Lumapit ako sa marble table at tinignan ang ginagawa nila.
"Anong lulutuin niyo?" tanong ko.
"We're tryin' to cook pasta and chicken since favorite niyong lahat 'yon." sagot ni Quen tumango ako at tinignan lang sila.
"Happy valentines." bulong ni Grayson galing sa likuran ko at niyakap ako.
"Hey.." saway ko sakanya dahil hinalikan niya'ko sa pisngi.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.