Twelve

64 3 0
                                    


Chasing Love: Trapped

* * *

Grayson Ryker

Months passed, four months to be exact, she keep her distance from me. I don't even know why! Damnit! This is so frustrating!

"Bud, hindi ka parin pinapansin?" tanong ni Kellen. Umiling ako bilang sagot.

"Baka ayaw niyang makasira ng relasyon?" ani Quentin kaya napalingon kami sakanya. "Nagsimula 'yan nung gabing hinalikan ka ni Meg sa harapan namin." kumunot ang noo ko, bakit naman siya iiwas?

"She like me?" tanong ko. Tinawanan naman nila ako.

"Sira! Asa ka naman!" ani Kellen na kinatawa lalo nila.

"She's busy." sabi ng kadarating lang na si Zaccheus. "Madaming pinapagawa si Mom sakanya." aniya at umupo sa sofa.

Nandito kami sa bahay nila Kellen, busy ang lahat para sa finals. Malapit na rin kasi ang sembreak namin kaya finals na.

"Kinakausap niya si Quentin at Kellen, pero ako hindi." nakangusong sabi ko. Naiinis na talaga ako! Bakit ba hindi niya ako pinapansin!

"Mukha kang bakla, huwag kang ngumuso!" ani Quentin kaya pinagtawanan nanaman nila ako.

Kapag kinakausap ko siya, sasagutin niya ako ng pabalang. Kapag nasakanila kami palagi siyang nakatabi sa mga kaibigan niya. Hindi niya ako kinakausap pero ang mga kaibigan ko kinakausap niya. Sa tuwing may lakad kami ay hindi siya sasama kung wala ang mga kaibigan niya. Halatang umiiwas siya!

"How's Meg?" tanong ni Zeus.

"She's fine." tamad kong sagot.

"Kamusta kayo? Nagka balikan naba kayo?" segunda ni Quen.

"No. I told you before, hindi kami nagbalikan." inis na sabi ko, ayaw nilang maniwala! Dahil hindi daw ako kumontra 'nung nagpakilala si Megan bilang girlfriend ko.

"Huwag mo kaming lokohin, palagi kayong magkasama!" ani Kellen habang nakangisi.

"I don't like her." ngumuso ako.

"Why is she acting like that?" tanong ni Quen.

"She's obsessed with Grayson." malamig na sabi ni Zeus habang tumatayo. "Tell her, leave my sister alone." iniwan niya kaming tulala. The hell? Anong ginawa ni Megan kay Amya?!

"Alis nako." nagmamadali kong sabi sa dalawa at mabilis na lumabas ng bahay.

Tinatawagan ko siya habang nagmamaneho. Damn! Bakit hindi siya sumasagot?!

"Sweetie!" masayang sabi niya pagsagot sa tawag ko.

"Where are you?" tanong ko sakanya.

"Nasa bahay lang ako. Where are you? I miss you..." malambing niyang sabi.

"I'm busy." sagot ko at pinatay ang tawag. Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sakanila.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis! Pag dating ko kina Megan ay pinapasok ako agad ng mga kasambahay nila. Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto niya. Papasok na sana ako pero dinig kong may kausap siya.

"How is it?" pinakinggan ko ang nasa loob. "What?! Don't tell me nabuking kayo?" inis na tanong niya, sino kaya ang kausap nito? "Damn it, Brit! Bakit kayo nagpahuli kay Zaccheus?! Paano kung malaman ni Grayson? Iiwan niya ako!" eto ba yung sinasabi ni Zeus? "Gaddamnit, Brittany! Ang dali lang ng pinapagawa ko!" inis na sigaw niya. "I'll wait for their update kung kamusta siya, hindi ako pwedeng pumunta agad dahil magtataka sila kung bakit alam ko." Naiinis na ako! Sino bang pinaguusapan nila. "Wait, nagtext si Kellen.." natahimik siya. "Naospital daw si Zahara. Ayusin mo to Brittany, kailangan hindi malaman ni Grayson to. Bye." nanlamig ako sa narinig ko.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon