Chasing Love: After five...* * *
"Great job everyone! Its a wrap!" sigaw ng director kaya nagpalakpakan ang mga staff, at last my shoot is done.
"Youre doing great, Miss Leigh. Congratulations!" bati ng director paglapit ko sakanya.
"Thanks direk, I hope there will be next time." ngumiti ako at kinamayan siya.
"Of course there will always be a next time! Its our pleasure working with you. You should take a rest, I'll help them pack-up." nagpaalam na si direct at iniwan na ako.
Bumuntong hininga ako at pumunta na sa models room para kunin ang mga gamit ko. Finally makakapag pahinga na ako kahit pa'paano.
Nagpaalam ako sa mga staff bago tuluyan lumabas ng building, pagdating ko sa lobby ay agad na hinarangan ng mga guards at body guards ang dadaanan ko para hindi makalapit sa'kin ang mga kababaihan' nagkakagulo.
"Omg!!"
"There she is!!"
"She's so pretty!!!"
"Waaah!!! I love you Leigh!!!"
"Leigh!!"
"I love you!!"
Nakangiti ako habang kinakawayan silang lahat, pagpasok ko sa sasakyan na naghihintay sa'kin ay agad akong humilig sa sandalan.
"Where to?" tanong ng driver ni Lolo.
"Home.." tamad na sagot ko at pumikit, antok na antok na ako..
Hindi din naging matagal ang byahe namin pauwi dahil malapit lang sa mansion ang building ng studio.
Pagdating sa bahay ay abala ang mga maids sa kung ano man'g inutos ni Mamita, hindi ko na sila pinansin dahil gusto ko ng matulog!! Mabilis akong naligo at nahiga ng kama para makatulog na.
Ilang minuto palang akong nakapikit biglang tumunog ang phone ko na nasa sidetable. Nakapikit 'ko 'yung kinapa at sinagot.
"Yeah?" tamad na sagot ko.
"Hello!!" masayang bati sa kabilang linya. "How are you?" kahit hindi ko tignan ang pangalan ng tumawag ay kilala ko na.
"What do you want?" tanong ko kay Brody, kasamahan ko sa agency.
"Can I visit? I miss you." mahinang tanong niya.
"I'm about to sleep when you call.." tamad na sagot ko.
"Oh shit! I'm sorry.." aniya at bumuntong hininga. "I'll call you later, sleepwell." hindi na ako nakasagot dahil pinatay na niya ang tawag kaya naman binalik ko sa sidetable ang phone ko tsaka natulog!!
Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom kaya naman bumaba na ako.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha lang ng donut na nasa ref. Kagat kagat ang isang donut ay lumabas na akong kusina at babalik na sana sa kwarto ko pero nanlaki ang mata ko nang may makitang tao na nakaupo sa sofa!!
Hinawakan ko ang donut na kagat ko at dahan-dahan lumapit sa taong busy kakatingin sa magazine ko..
"Brody?" tawag ko kaya mabilis niyang inangat ang tingin sa'kin. "What are you doing here?" takang tanong ko, tumayo siya at hinarap ako.
"Leigh!" nakangiting tawag niya. "I'm here already when I called..." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "You're cute pala when you wear that..." nakangising sabi niya kaya napatingin ako sa suot kong oversized shirt at sweatpants.
"Anong ginagawa mo dito?" nakakaintindi naman siya ng tagalog.
"I told you earlier that I miss you..." nakangusong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.