Chasing Love: Outing* * *
"Ready naba lahat?"
"Wala nabang nakalimutan?"
"Oh, Zach! Magi'ingat kayo ha?"
"Garett! Ang mga kapatid mo huwag mong pababayaan!" ani Lola at tinignan ako. "Si Amya!" aniya pa habang kunot noo.
"Ako na po ang bahala kay Amya, Mamita." ani Tobi at inakbayan si Lola.
"Susunod kami." ani Daddy at tinapik ang balikat ni Zach.
"Tito!" sigaw ni Kuya Lance. "Hintayin namin kayo ah?" tumango lang si Daddy at chineck ang gamit namin.
"What for us there." ani Lola sa'kin kaya tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.
"We're going." sabi ni Zach kaya sumakay na kami sa van.
Driver namin si Kuya Lance, sa passenger seat ay sina Kuya Oliver at Zachary. Sa unahang row nakaupo sina Naveen, Saf at Kira, sunod ay ako, si Tobi at Liam, sa likuran namin ay sina Grayson, Kellen at Quen, sa pinakalikuran ay sina Kayden, Jackson, Divya, Avery at Gab.
"You sleepy?" tanong ni Tobi pero umiling lang ako at tumingin sa labas.
"Da fuck! Ano ba!" ani Divya. "Huwag kang magulo!" aniya pa kaya napalingon ako sakanila at saktong paglingon ko ay nakatingin sa'kin si Grayson na nasa likuran ko, hindi ko na tinignan pa sina Divya dahil ibinalik ko ang tingin ko sa labas.
"Bakit pala wala si Meg, Grayson?" tanong ni Naveen at lumingon sa likod.
"Busy." sagot ni Grayson.
Napaayos ako ng upo ng humilig sa balikat ko si Tobi.
"Landi." bulong ni Liam kaya nabatukan siya ni Tobi. "Dito ka nga sa gitna, Za." ani Liam.
"Why?" tanong ko.
"Para makahilig din ako..." natawa ako sa sinabi ni Liam kaya iiling iling akong humarap sakanya.
"Mamaya na kapag nag stopover tayo." sagot ko kaya tumango siya at kumain ng junkfood.
Naging tahimik lang byahe namin dahil nakatulog din ako.. Nagising akong nakapatong ang ulo ko sa ulo ni Tobi na nakahilig sa balikat ko. Gets mo?
"Hey.. Kakain muna daw tayo.." ani Liam nang makitang gising na ako.
Nakapark ang van na sinasakyan namin sa isang gasolinahan na maraming kainan..
"Take away nalang tayo para makarating na tayo agad.." suhestyon ni Naveen kaya sumangayon ang lahat. "Bili na kayo kung anong gusto niyo, tapos balik nalang dito."
"Li, ibili mo nalang kami ni Tob.." sabi ko kay Liam, tumango naman siya.
"Anong gusto mo?" tanong niya sa'kin, napanguso ako nang wala akong maisip kung anong gusto ko. "Ako ng bahala." aniya at bumaba ng van.
Kaming dalawa lang ni Tobi ang naiwan sa van dahil hanggang ngayon tulog parin siya.. Nangangalay na ako..
"Hmm..." ani Tobi at nag'inat, gising na ata. "Hi.." nginitian niya'ko at luminga linga. "Where are they?"
"They bought food.." tumango siya at bumaba ng sasakyan. "Where are you going?" tanong ko sakanya habang nagaayos siya ng sarili.
"I'll buy some coffee or frappé.. Stay here, I'll be back.." sinara niya ang pintuan ng van at umalis na. Gusto ko din bumaba..
Nakanguso akong nagcheck ng social media pero agad din kumunot ang noo ko sa bumungad sa'kin..
Ang daming comments dun sa post ni Tobi kaya madami din nag add sa'kin. May mga negative comments meron din magaganda.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.