Sixteen

61 3 0
                                    


Chasing Love: AZL...

* * *

Three weeks passed since the day I got confined again. Nagsimula na din ang tournament na sinalihan nila Naveen at nag start na rin ang second semester, which is ojt for the senior students. Ako at ang mga kaibigan ko ay nag'ojt sa isang business, AZL Café & Restaurant. Yes, sinamahan nila ako sa resto.

Sa kitchen ako naka assign, sa front desk naman si Avery, sa cashier si Divya at waitress si Kira. Sila ang pumili sa mga posisyon nila. Dahil bilang ojt students gusto namin magumpisa sa ganitong trabaho.

"Kailan nag start sila Zeus sa ojt?" tanong ni Kira habang kumakain kami dito sa staff's quarter. Its our break time, at pinakiusapan nilang tatlo si Zachary na sabay sabay ang break namin. Wala naman nagawa ang kapatid ko kun'di sumangayon.

Perks of being friends with the manager. *smirks*

"Monday." sagot ko at kumagat sa apple.

"Where are they? Di'ba dito din sila?" tanong naman ni Avery.

"Café." sagot ko sabay kagat ulit ng apple.

Well, hindi naman araw araw ganito ang set up namin. Sa loob ng two weeks namin dito bilang ojt, naranasan na namin lahat ng trabaho. Nadestino na ako sa front desk, sa cashier, bilang waitress and now sa kitchen, which is I'm just an apprentice. Ayaw ni Zachary na magluto ako, dahil unfair daw sa mga kasamahan kong hindi marunong magluto.

Next week sa café naman daw kami at ang boys naman ang dito sa restaurant. It's our restday tomorrow, which is saturday and dayoff namin' apat ang sunday. Habang sila Naveen walang restday at dayoff dahil kau'umpisa lang nila last monday.

"Tara puntahan natin sila." ani Divya, sumangayon naman sila Avery kaya iniligpit muna namin ang pinagkainan namin bago sila pinuntahan.

Pagpasok namin sa Café ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Seryoso ba 'to? Ojt ba sila o tumambay lang?

Si Kellen nakaupo sa pan'dalawahan table kaharap ang magandang babae na tingin ko ay nurse dahil sa puting uniform, si Quentin na busy sa pakikipag usap sa dalawang babaeng magkasama na tingin ko ay college students, si Naveen na may kausap na magandang babaeng nakasuot ng uniform namin sa school. Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si Grayson. Pumasok ba siya?

"Here's your order, ma'am." napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Only to see Grayson, trying to flirt with the customer.

Mababaliw ata ako sakanila!

"Wait.. What is happening?" takang tanong ni Divya.

Lumapit ako kay Bryan, isa sa mga cashier.

"Anong nangyayari dito?" tanong ko.

"Miss Zahara, sabi po kasi ni Sir Zaccheus hayaan muna namin sila tutal break naman daw po nila." napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya.

Walang alinlangan kong pinindot ang bell para makuha ang atensyon nila. Sabay sabay naman silang lumingon sa lugar namin.

Namutla si Grayson nang makita ako, napakamot naman ng batok si Quentin, nakangusong lumapit si Naveen at taas kamay naman si Kellen.

"What are you doing here? Di'ba may work pa kayo?" tanong ni Naveen. "Wala kaming ginagawang masama!" dagdag pa niya. Defensive.

"Conference room, now." matigas kong sabi at lumabas ng café para puntahan si Zachary sa restaurant.

"Hey, what's wrong?" tanong niya pagpasok ko.

"'Iyang kapatid mo! Imbes na magtrabaho, nakuha pang makipag harutan sa customer!" inis kong sabi at padabog na umupo sa sofa.

Malaki ang opisina ng manager sa restaurant, dahil iyon ang gusto ni Zach. Samantalang ang opisina sa café ay katamtaman lang at nakadugtong sa opisinang ito.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon