Thirty

75 3 0
                                    




Chasing Love: Yes!

* * *

Simula nang malaman namin' lahat na buntis si Saf, hindi na namin siya pinayagan mag trabaho at umalis mag isa. Nasabi din kasi ni Naveen na maselan ang pagbubuntis niya kaya kailangan lagi siyang may kasama.

Nalaman nila Mamita ang balita kaya tuwang tuwa sila dahil magkaka apo na daw sila sa tuhod at sa paboritong apo pa daw. Pinagalitan pa nga sila Kuya Oliver, Kuya Lance at Zach dahil silang tatlo ang matanda pero nauna pa raw magaasawa si Naveen na bunso.

"Colleen!" tawag ni Mommy kay Saf pag dating niya sa bahay.

"Yes po, Tita?" mahinhin na tanong ni Saf.

"How many times do I have to tell you that you should call me, Mom or Mommy?" nakangusong sabi ni Mommy kaya napairap ako. Masyado nilang minamadali si Saf kaya naiilang siya.

"Mom!" nilingon ako ni Mom na busy sa pagiging clingy kay Saf. "Stop pressuring her!" lalong ngumuso si Mom at kumapit kay Saf. "Look at her!" tinuro ko si Saf na nakangiwi. "She can't breathe properly!"

"OMG! I'm sorry!" hindi ko alam kung bakit ganito umasta si Mommy, masyado siyang excited.

"It's okay, Tita."

"It's Mom." pagtatama ni Mommy.

"Call her Amelia." umirap ako at tumayo para sana iwan sila pero bigla akong tinawag ni Mommy.

"Amya!" nilingon ko siya. "Get her something to eat." tumango ako at nagpunta sa kusina para ikuha ng makakain si Mom at Saf.

Bakit nga ba ako naiwan dito sa bahay kasama si Mommy at Saf? Ang alam ko kasi, may shoot ako ngayon para sa tv commercial.

"Amya! Someone's calling!" sinabihan ko si Alice na ilabas ang pagkain hinanda ko bago mabilis na bumalik sa sala.

"Hello?"

"Is this Leigh Lopez?" napakunot ang noo ko.

"May I know who's this?" tanong ko, narinig ko siyang tumikhim bago sumagot.

"This is Elly from your agency." Elly? Wala akong matandaan' ganun pangalan. "Ako 'yung kasama mo para sa tv commercial."

"Oh? Is that so?" gulat na sabi ko. Hindi ko alam na may kasama akong lalake sa tvc na gagawin ko.

"I just..." hindi ko narinig ang sinasabi niya dahil biglang tumili si Mom!

"What happened?!" tarantang tanong ko tsaka sila nilingon. Pero nalaglag ang panga ko dahil paglingon ko, naka tayo si Grayson sa may pintuan habang may hawak na bouquet of sunflower and rose, chocolate tsaka teddy bear!

"OMG!!" kinikilig na sabi ni Mom at Saf. Nagsama pa sila!

"Hello? Are you still there?" bigla akong natauhan nang magsalita si Elly.

"Hey.. I'm quite busy, call you back." hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil pinatay ko na agad ang tawag.

"Hi." nakangiting sabi ni Grayson tsaka lumapit samin. "Hi, Tita." bumeso siya kay Mom. "For you." inabot niya 'yung chocolate.

"Thanks, Gray!" si Mom na sobrang lapad ng ngiti.

"Hello there." inabot naman niya yung teddy bear kay Saf.

"Thank you." ngumiti si Saf, halatang kinikilig. Ang alam ko kasi, pinaglilihian niya si Grayson.

"For you." inabot naman sakin ni Gray ang bouquet tsaka ako hinalikan sa ulo. "How are you?"

"I'm fine." inaya ko siyang umupo sa sofa namin, malayo kay Mom at Saf na abala sa pagkain. "Do you want to eat?" tanong ko kay Grayson pero umiling lang siya at tinitigan ako.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon