Chasing Love: Visit* * *
"Airplane!" tuwang sabi ni Reeve nang makita ang eroplanong sasakyan namin.
Ngayon kasi ang flight namin pauwi sa pilipinas. Kasama namin si Tobias at Liam. Silang tatlo ang may hawak ng karga namin' lima habang ako ang nagbubuhat kay Reeve na tumimbang lalo dahil sa dami ng kinakain.
Umupo kami sa designated seat namin, magkakatabi kaming lima. Si Reeve ay inupo ko sa gitna namin ni Gray, sa kabilang upuan sina Liam at Tobias.
"May bodyguard ka pero kami ang ginawa mong bodyguard ngayon!?" reklamo ni Liam kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gray, nasabi pala sakin ni Mommy Gabriella na may date si Ana ngayon?" nanlaki ang mata ni Liam sa sinabi ko tsaka ako tinuro!
"Hoy!"
"Don't point your finger at my wife." si Grayson at hinarang ang sarili para hindi ako makita ni Liam.
Nilingon ko ang anak na abala sa pagtingin ng paligid. Nilabas ko ang phone tsaka siya pinicturan. First time riding a plane.. oh! My son looks cute!
Labing limang oras ang byahe namin pauwi sa pilipinas. Naaawa ako sa anak ko, first time niyang magbyahe ng ganito katagal.. sana okay lang siya!
Hindi ako nakatulog sa byahe, habang mahimbing naman ang tulog ni Reeve sa upuan niya. Hindi ko napigilan ang ngiti habang pinagmamasdan' ang tulog na anak.
"Why don't you take a nap?" si Grayson na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan.
"I can't sleep." kibit balikat kong sabi.
"You excited?" tumango ako bilang sagot. Hindi alam ng mga kaibigan namin na uuwi kami. Sina Naveen na umuwi last month ay nanatili pa para sa birthday ni Wesley, alam nilang uuwi kami pero sinabihan namin silang walang ibang makakaalam.
Ang alam nila Kira ay sina Liam at Tobi lang ang uuwi para sa birthday ni Wesley sa makalawa.
Gabi na ng makadating kami sa pilipinas. Mahimbing na natutulog si Reeve nang bumaba kami ng eroplano. Karga karga siya ni Grayson dahil masyado ng matimbang ang anak ko.
Sinundo kami nila Naveen at Saf, dahil sila lang ang nakakaalam ng paguwi namin. Maging sina Mommy at Mommy Gabriella ay walang alam sa paguwi namin.
Napagusapan namin ni Gray na sa bahay muna kami mag stay ng isang linggo, at sa pangalawang linggo ay sakanila kami magstay.
Nang makauwi kami sa bahay ay tahimik na at mukhang tulog na ang lahat. Nagpasalamat kami kay Naveen at Saf bago dumiretso sa kwarto ko para makapagpahinga..
Inilapag ni Gray sa kama si Reeve. Hindi na kasi namin pinapatulog sa crib si Reeve dahil mas gusto niyang natutulog sa gitna namin ni Gray.
Nag half bath ako bago tumabi kay Reeve na mahimbing ng natutulog sa gitna ng kama.
"You tired?" si Grayson na kalalabas lang sa banyo. "Sleep now." tumango ako at niyakap ang anak para makatulog na.
Nagising ako dahil may naramdaman akong kamay sa tainga ko. Mukhang ginigising ako ng anak ko.
"Morning, baby." niyakap ko si Reeve.
"Momma!"
"Morning, love." ngumiti ako at hinalikan ang labi ni Gray bago tuluyan bumangon para makapag ayos.
Sabay kaming naligo ni Reeve habang nakahiga pa si Gray at mukhang may mahalagang ginagawa.
Sabay sabay kaming bumaba para makapag almusal.
BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
Literatura FemininaOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.