Twenty

70 3 0
                                    


Chasing Love: eighteenth

* * *

Grayson Ryker

Ang ganda ng venue. Ang ganda ng mga decorations. At ang ganda ng may birthday.

Lahat kami naka formal attire dahil eighteenth birthday niya. Lahat kami nandito sa isang sikat na hotel sa pilipinas. Buong pamilya niya ang umuwi para sa okasyon na'to. At kahapon lang sila nakabalik ng pilipinas.

"Ang bongga talaga." bulong ni Kira.

Nakaupo kami sa harap ng pabilog na mesa na pang waluhan ang pwede, kaya kasyang kasya kami.

"Si Tita lang ba ang nagasikaso nito?" tanong ni Avery habang nakahilig sa balikat ni Gabriel.

"Tinulungan siya ng mga Tita ni Za." sagot ni Divya habang lumilingon sa paligid.

Hindi din nagtagal ay nagdatingan na ang mga bisita maging ang pamilya nila.

"Si Mamita!" turo ni Kira sa isang magandang babae na hindi mo aakalain'g matanda na dahil sa tindig at itsura niya.

"Lola nila Zeus?" takang tanong ni Kellen, tumango naman si Kira at tumayo.

"Tara lapitan natin!" masayang sabi niya at nanguna sa paglapit sa pamilya nila Amya.

Sumunod kaming lahat sakanya kaya nasamin ang atensyon ng ibang bisita.

"Hillary!" masayang tawag ng Lola nila Amya at niyakap si Kira.

"You're so gorgeous, Mamita." ani Kira at bumeso, ganun din ang ginawa nila Divya at Avery.

"Ang gaganda niyo parin." ani 'Mamita' habang tinitignan sila. Napatingin siya sa'min nang may pagtataka ang itsura.

"Ah! Mamita, mga kaibigan nga po pala ni Zaccheus." ani Avery.

"Hello po!" masayang bati ni Kellen. "Kellen po ang pangalan ko."

"I'm Quentin, Madame." tinignan ako ni Mamita ng may pagtataka.

"I'm Grayson, please to meet you, Madame." inilahad ko ang kamay ko kaya tinanggap niya 'yon at nginitian ako.

"Later nalang tayo magkwentuhan, Mamita, baka naa'abala ka namin." ani Avery kaya mabilis na umiling si Mamita.

"May.." ngumiti siya bago tinuloy ang sasabihin. "May boyfriend ba ang apo ko sainyo?" natawa sina Kira sa tanong niya kaya nagtaka si Mamita.

"You wouldn't want to know, Mamita." sagot ni Kira.

"Bakit naman? Ang gagandang lalaki ng mga kaibigan ni Naveen."

"Torpe, Mamita." sagot ni Avery kaya naman napatingin sa'min si Mamita.

"Sino ba sakanila?" tanong niya at nagpalipat-lipat ang tingin sa'ming tatlo nila Quen at Kellen.

"Mama!" tawag ng isang magandang babae, tingin ko Tita ni Amya.

"Oh, Marienella.." ani Mamita. "Kausap ko lang ang mga kaibigan ni Naveen at Amya." napalingon sa'min si 'Marienella' daw at nginitian kami.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon