Chasing Love: Back* * *
Tatlong araw na mula nang isurprise namin sila. Tatlong araw na rin mula nang umalis si Grayson papuntang cebu para sa launch ng bago nila hotel. Hindi ako nakasama dahil nagkaroon ng emergency sa opisina at kinailangan kong pumunta dahil 'yon ang utos ni Lola.
Walang nagawa si Grayson kun'di umalis ng hindi ako kasama. Tawa nga ng tawa ang mga kaibigan namin dahil nakasimangot na umalis si Grayson, gustong gusto niya akong isama kaya lang kailangan ako sa opisina. Pinayagan pa naman din siya ng mga Kuya ko na isama ako kaya nakakuha na siya ng isa pang ticket.
"May TV guesting ka daw?" ani Divya habang nakaupo sa sofa sa harapan ng table ko dito sa opisina. Kasalukuyan kaming nandito sa kompanya dahil ako ang inatasan ng mga Lopez na mag look after dahil next month paraw ang uwi nila Tito Benedict.
"Hm." sagot ko habang nakatingin sa laptop sa harapan ko.
"Nasaan ang manager mo? Ang assistant mo?" takang tanong ni Kira habang kumakain ng mansanas na nakuha sa centertable.
"New york." tamad na sagot habang tinitignan ang schedule ko para ngayon araw.
May shoot ako sa isang sikat na clothing brand mamayang alas dos at alas sais naman ang TV guesting ko. Nalaman kasi ng media na nasa pilipinas ako kaya kumuha agad sila ng interview and schedule sa'kin.
Sa makalawa palang uuwi ang manager at assistant ko dahil hindi agad sila nakakuha ng flight pauwi.
"Sama kami!" masayang sabi ni Avery kaya tumango lang ako at pinatay ang laptop ko. "Tapos dinner tayo sa moon restaurant."
"Yung bago 'yon diba?" si Kira.
"Yup! Pareserve na ako." nagumpisa nang magpi-pindot si Ave sa phone niya.
Nandito sila dahil tinatamad daw silang mag trabaho at gusto nila akong guluhin..
Naging mabilis lang ang oras kaya naman nang mag ala una na ay umalis na kami ng kompanya para pumunta sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot.
Pagdating namin' apat 'don ay pinagtitinginan kami, nagkibit balikat lang ako at dumiretso sa floor na sinabi ng manager ko.
Paglabas namin ng elevator ay nilapitan agad ako ng isang staff.
"Miss Leigh!" ngumiti ako. "Dito po kayo." giniya niya kami papunta sa models room. "Nandyan na po ang mag'aayos sainyo." tumango lang ako at pumasok, ganun din ang mga kaibigan ko.
Pinaupo ako ng artist sa high chair harapan ng vanity mirror. Hindi na siya nagaksaya pa ng oras kaya mabilis niyang inumpisahan ang makeup ko.
"Nandito na po pala si Miss Leigh." dinig kong sabi ng isang tao hindi kalayuan sa'kin.
"Ang aga naman niya? Where is she?" tingin ko si Lezter 'yon, ang kasama kong endorser.
"Ayun po, mine'makeupan."
"Leigh!" nagmulat ako ng mata at tinignan siya sa salamin, nakangiti siya habang nakatingin din sa'kin. "Its nice to see you again." ngumiti ako, pero hindi umabot sa mga mata ko.
"Same here, Lez." sagot ko at pumikit ulit. Hindi naman sa bastos ako, pero nakakainis lang kasi, puro siya pacute kapag kausap ako.
"Ayusan niyo na din si Sir Lezter." dinig kong sabi ng staff kaya nagkagulo ang ibang artist.
"Leigh." dinig kong tawag ni Divya kaya nagmulat ako ng mata. "Saf called, she said namove daw ang oras ng guesting mo." napakunot ako ng noo, ano?

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ЧиклитOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.