Twenty-seven

69 2 0
                                    


Chasing Love: Suitor

* * *

Ilang araw nang maugong ang pangalan ko sa social media, dahil panay ang TV guesting's at interview sa'kin. Madami din ang gustong maging endorser ako pero tinatanggihan ng manager ko.

Dalawang araw na mula nang malaman kong nagbalik na sila. Hindi na gustong patagalin ng mga Lopez ang pagbabalik dahil ayaw nilang may mangyari sa'kin.

"Leigh!" nagmulat ako ng mata nang marinig ang manager kong sumigaw. "Why are you still here? Ngayon ang uwi ng Mamita mo!" napakunot ako ng noo, ngayon?

"I thought sa Friday pa?"

"Nakakuha sila ng maagang flight pauwi, hala sige! Mag'ayos ka dahil susunduin natin sila!" wala akong nagawa kun'di sumunod.

Kahit na tamad na tamad akong umalis ay gumayak parin ako para walang masabi si Fern, ang manager ko.

Nagsuot lang ako ng T-shirt at ripped jeans tsaka sneakers.

"Bakit ganyan ang suot mo? Mygod Leigh!" ayaw na ayaw niyang ganito ang suot ko dahil isa daw akong Lopez kaya kailangan laging maganda. "'Yong offshoulder o venus cut ang isuot mo!" napairap ako at pumasok ulit sa kwarto para sundin siya.

Isang offshoulder top ang sinuot ko tsaka nagpalit ng block heels.

"Perfect!" pumalakpak pa siya! "Lets go!" sumakay kami sa van at nagbyahe papunta sa airport.

"Ang daming kumakalat na picture ni Tobias at Scarlett..." bulong ni Fern habang nagse cellphone. "Kakaloka! Madami din' nagsu'support sakanila."

Ang alam ko ay loveteam na silang dalawa habang ako ay nali'link kay Grayson.

"May bagong picture nanaman kayo ni Grayson..." pinakita niya sa'kin yon. Picture namin ni Grayson nung debut ko! Saan nila nakuha 'to? "Nandon pala siya? Hindi ko siya nakita..."

"Kaibigan siya ni Zaccheus." sagot ko at ibinalik ang phone niya.

"Alam mo ba ang dami niyong fansclub! Kayong dalawa ni Grayson! Bagay na bagay daw kayo." napairap ako sa sinabi niya. "Dapat mag model din 'yang si Grayson eh, para kayong dalawa ang partner!"

"Busy siyang tao." tamad na sagot ko at pumikit.

Hindi na ako ginulo ni Fern dahil alam niyang kapag pumikit na ako, gusto kong magpahinga. Hindi din nagtagal ay nakadating na kami sa airport.

"Baka makilala ako." tamad na sagot ko habang tinitignan ang mga media sa labas, mukhang may hinihintay.

"Ang Madame Lethina ang hinihintay nila." ani Fern at inabutan ako ng shades. "Halika na, papasok tayo." nauna siyang bumaba kaya sumunod ako, karamihan sa media ay napalingon sa'min!

"Si Leigh!"

"Miss Leigh!"

"Ano pong ginagawa niyo dito?"

"Ang ganda mo!"

Nakangiti lang ako habang pilit silang hinahawi ng mga body guards. Si Fern naman ay nasa gilid ko at taas noo'ng naglalakad.

Nang makapasok kami ay mabilis na humarang ang mga guards sa entrance para hindi sila makapasok. Nakasunod lang din sa'min ni Fern ang mga body guards na kinuha ni Mamita para sa'kin.

Naupo kami ni Fern sa waiting area na hindi masyadong crowded. May ilang nakakakilala sa'kin kaya hindi maiwasan na magpapicture sila. Pumayag ako, pero mukhang ayaw ni Fern dahil taas ang kilay niya.

"Wala kayong palalapitin!" aniya sa mga body guards kaya humarang sila.

"Ano ka ba." sita ko sakanya.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon