Thirty-four

63 2 0
                                    


Chasing Love: What?

* * *

Napasinghap ako ng makita ang pagkarami raming paperbags at box sa sala ng bahay.

"Saan niyo ilalagay lahat 'yan?" dinig kong tanong ni Zachary kaya bumaba ako para makita sila. Nakaluhod si Naveen habang binubuksan ang isang malaking box.

Serafina is eight months pregnant at one month nalang lalabas na ang pamangkin ko! Hindi pa nila inalam ang gender ng baby para surprise daw. Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng ikasal ang dalawa.

Tingin namin ay magtatagal ang stay ni Naveen dito sa bahay dahil nahinto ang paggawa sa bahay nila dahil may bagyo noong nakaraan linggo.

"Za!" ani Zach ng makita akong nakatayo sa unang baitang ng hagdan.

"Ilagay mo nalang dyan ang isang crib, at ang isa 'doon sa kwarto mo para may crib ang baby dito sa ibaba." tumango si Naveen sa sinabi ko at inutusan ang guard ko na ayusin ang dalawang crib.

Nagtataka nga ako kung bakit dalawa. Iniisip ko nalang na kambal ang pamangkin ko at sana babae.

"Are you alright?" ani Zach nang titigan niya ako. "Ang putla mo." umirap ako at nagpaalam na magaayos lang dahil kailangan kong pumasok sa kompanya ngayon.

Mabilis akong naligo at nag'ayos. Simpleng tube top, pants at stilettos lang ang suot ko tsaka naglagay ng kaonting makeup para hindi na ako maputlang tignan, hinayaan ko lang na nakalugay ang kulot at mahaba kong buhok tsaka na ako bumaba para makakain bago tuluyan umalis.

Abala ang mga guards sa pagsunod sa mga utos ni Naveen. Hindi naman niya mautusan sina Alice at Lisa dahil hindi nila kayang magbuhat ng mabigat at magayos gaya ng crib.

Kumain lang akong mag'isa bago tuluyan nagpahatid sa kompanya. Wala parin akong sasakyan hanggang ngayon dahil hatid sundo ako ng mga guards na kinuha ni Mamita at Zach.

Pagdating ko sa kompanya ay abala ang mga empleyado sa mga kanya kanya nilang gawain.

Pagpasok ko sa opisina ko ay nadatnan kong abala si Fern sa laptop niya at may mga notebooks pa sa harapan niya. Hindi niya ako napansin' pumasok kaya naman tinignan ko kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

Mga schedule namin para sa susunod na buwan.

"Clear my schedule for next month." napatalon si Fern sa biglaan kong pagsalita kaya natawa ako.

"Bakit?" takang tanong niya habang inaayos ang schedule namin.

"Its Saf's due date." tumango siya, naintindihan ang sinabi ko.

Naupo ako sa recliner at binuksan ang laptop ko para tignan ang schedule ngayon araw.

"Yes, hello? This is Fern, Leigh's Manager." dinig kong sabi ni Fern at lumayo sakin.

Napakunot ang noo ko ng makitang may sinend na picture sakin si Grayson. Ano kaya 'to?

Screencapture ng Symptoms of a pregnant woman?

Amya Zahara: What the hell is that?

Grayson Ryker: Just sharing....

Amya Zahara: And who do you think is pregnant?

Grayson Ryker: Let me think... 🤔

Napairap ako sa kawalan. Ilang ulit na niyang pinilit na buntis ako dahil sa pagiging moody ko, pero hindi naman ako buntis!

Amya Zahara: I'm not pregnant. You know that!

Grayson Ryker: I didn't say that its you. 😋

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon