Chasing Love: End of Chase.* * *
Nakasimangot ako habang nasa byahe kami papunta sa lilipatan namin' bahay. Hindi ko maintindihan ang magulang ko kung bakit gusto nilang lumipat. Ayos naman ang dati namin bahay. Pero madaming nakakaalam ng bahay na 'yun dahil kilalang tao ang mga magulang ko. Siguro, gusto na nila ng tahimik na buhay.
Nilingon ko ang malaking bahay sa harapan ko. Bumuntong hininga ako, pwede na.
"Naveen!" dinig kong sigaw ng isang babae kaya nilibot ko ang paningin at nakita kong may batang babae'ng may hawak ng bola ng basketball sa kabilang daan, tapat ng malaking bahay na may napaka lawak na hardin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sakin.
"Amya." anang isang batang lalaki, at inakbayan ang batang babae na tinawag niyang Amya.
"Lets play basketball." anang Amya at inalis ang kamay ng batang lalaki tsaka humarap sakin.
Nagtama ang mata namin at kusang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa edad kong katorse ay alam ko kung ano ang ibig sabihin nito.
"Ry, lets go." ani Mommy na papasok sa loob ng bahay.
"I'll just roam around." kahit hindi pa sumasagot si Mommy ay mabilis akong lumapit sa dalawang bata.
"Hi." ngiting sabi ko sakanila. "I'm Ry.. Bago kami sa village na 'to.. I hope we can be friends." tumango ang lalaki tsaka naglahad ng kamay, kaya tinanggap ko yun.
"I'm Naveen, and this is my sister Amya." tinignan ko ang batang babae.. Ang ganda niya. Matangkad siya, maputi ang kanyang balat, matangos ang ilong, manipis ang labi, mahaba ang pilikmata at may napakagandang kayumangging mga mata.
"You know how to play basketball?" malambing niyang tanong sakin kaya nahagit ko ang aking hininga.
"Y-yes." nautal na sabi ko kaya halos kutusan ko ang sarili sa ginawa, bakit ako nautal!?
"Lets play!" masayang sabi niya na kina kunot ng noo ko.
"You know how to play basketball?" takang tanong ko kaya natawa si Naveen.
"Siya ang nakakalaban ko sa basketball, don't underestimate her." ngising sabi niya kaya tumango ako.
Marunong akong maglaro ng basketball, pero hindi ako palaging naglalaro dahil wala naman akong kasamang maglalaro.
Inaya nila ako sa court ng village na malapit lang sa bahay namin. Naglaro kaming tatlo ng basketball at hindi ko maiwasan mamangha dahil magaling maglaro si Amya. Isang babae ang kalaro namin ni Naveen sa basketball.
Ilang araw na ang lumipas mula nang lumipat kami, ilang araw na rin akong pumupunta sa bahay ng magkapatid dahil sila lang ang kakilala ko sa village na to.
Isang araw nang pumunta ako sakanila na may dalang macaroni na gawa ni Mommy ay nadatnan kong nagsi'swimming si Amya. Masyadong siyang active sa mga activities at sports, nakakamangha dahil hindi siya kagaya ng ibang babae na mas gustong mag shopping, matutong mag makeup at mag inarte lang.
"Ry!" si Naveen nang mapansin ako. "Lumalangoy ang sirenang si Amya." natawa ako sa sinabi niya kaya nilapag ko sa tabi niya ang macaroni'ng dala.
"Mahilig ba talaga siya sa ganyan?" kuryoso kong tanong habang nakatingin kay Amya na abala sa paglangoy. "I mean she's so active."
"Sakitin kasi yan' kambal ko kaya gustong lumakas ang resistensya." tumango ako sa sinabi niya. Kambal pala sila. Hindi ko masyadong nahalata dahil maputi ang balat ni Amya samantalang moreno si Naveen.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.