Chasing Love: Outing.* * *
Grayson Ryker
Pinagmamasdan ko lang si Amya habang natutulog siya sa isang kama. Napangiti ako ng maalala ang ginawa kagabi. Muntik na kitang halikan, mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko. Kung hindi baka nasapak na ako ng kambal mo.
"Grayson? Zahara?" sigaw sa labas kaya tumayo ako at lumapit sa pintuan. "Breakfast is ready." ani Divya pagbukas ko ng pintuan, tumango ako bilang sagot. "Paki gising si Zahara, please." ngumisi siya sa'kin bago ako tinalikuran.
Lahat sila alam ang nararamdaman ko para kay Amya, siya lang ang hindi.. Ay, maliban nalang kung nararamdaman niya na.. Dahan dahan akong lumapit sa kama niya at umupo sa gilid.
Hinawakan ko ang braso niya at bahagyang tinapik. "Wake up..." mahinang sabi ko at inulit ang ginawa.
"Uhmmm..." dahan dahan siyang nagmulat at saktong nagtama ang mga mata namin.
"Good morning.." mahinang sabi ko habang nakatingin parin sakanya. Hindi niya'ko sinagot, imbis ay nagtakip siya ng mukha at tinalikuran ako. "Whats wrong?" takang tanong ko sakanya.
Hindi niya ako sinagot, imbis ay mabilis siyang tumayo at pumunta sa banyo. Kahit nagtataka ay iniligpit ko ang hinigaan niya.
Hindi din nagtagal ay lumabas siya nang banyo.
"You okay?" tanong ko sakanya, ngumiti naman siya bago ako sinagot.
"Yeah." tinalikuran niya ako at pumunta sa pintuan. "Baba na ako." aniya at lumabas na.
Sumunod ako sakanya, pagbaba ko ay nakita kong nakaakbay na sakanya si Tobias at ginigiya siya papunta sa dining.
May naramdaman akong kirot sa dibdib ko nang makita silang magkadikit. Ibig kong sabihin, makita silang magkasama.
Pagtapos namin kumain ay nagpahinga lang kami saglit tapos nag island hopping na kami. Sakay nang isang bangka papunta sa kabilang isla ay naging tahimik lang ako. Pinagmamasdan silang lahat na enjoy na enjoy.
Pagdating namin sa isla ay naunang bumaba sina Kayden at Jackson tsaka inalalayan ang mga girls, nang bumaba si Amya ay aalalayan ko sana siya pero naunahan ako ni Tobias. Iniwas ko ang paningin sakanila at inilibot nalang sa lugar.
"Nage'enjoy ka naman ba?" biglang tanong ni Divya sa gilid ko.
"Yeah, of course." ngiting sagot ko pero sinimangutan niya lang ako.
"Kita naman sa mga mata mo na nasasaktan ka eh.." malungkot na sabi niya kaya natawa ako.
"I'm enjoying our vacation, but I'm not 'that' happy.." honest na sagot ko sakanya.
"I hope you can still wait for her no matter how long it will takes." seryosong sabi niya at iniwan ako, medyo kinabahan ako sa sinabi niya pero alam kong hihintayin ko si Amya kahit gaano pa katagal.
Pero hindi ba't sila ni Tobias? Nakapagta'taka naman ata na sinabihan ako ng ganon ni Divya pero may boyfriend si Amya?
Pinagmasdan ko sina Amya at Tobias na masayang nagkukuhanan ng litratro.
I wish I'm the one who's behind you. I wish I'm the reason behind those sweet smile.
"Picture tayong lahat!!" sigaw ni Kira habang winawagayway ang camera niya. "Kuya pa picture naman po kami." aniya sa bangkero tsaka inabot ang camera niya.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.