Chasing Love: Love* * *
Pilit kong iniintindi ang lahat ng nalaman ko, pero wala talagang pag'intindi ang pumapasok sa isip ko..
"Za?" napalingon ako kay Zach. "Lets go." tumango ako at kinuha ang bag ko tsaka sumunod kay Zach pababa ng eroplano.
Nasa pilipinas na ulit ako, tapos na ang sampung araw kong pananatili sa New York para pakinggan ang mungkahi ng mga boards.
As usual, gusto nila akong palitan pero hindi ako pumayag. Mas lalong hindi pumayag ang pamilya ko. Ginawa ko na nga ang lahat para mapasikat ang mga anak nila pero gusto pa nila ng mas angat? Hay.
Dumiretso kami ni Zach sa kompanya dahil may gaganapin' presscon.
Pagdating namin sa kompanya ay maraming tao ang nagkalat sa lobby kaya mabilis kaming pumunta ni Zach sa hall kung saan gaganapin ang presscon.
Pagpasok namin ay nagkagulo agad ang ma press.
Pinakalma muna sila ni Fern bago tuluyan inumpisahan ang interview.
"Pwede ba namin malaman kung bakit ka umalis ng bansa?" ngumiti ako bago sumagot.
"Of course!" lahat sila nakatutok sakin. "I went to New York because my Mamita needs me." nakangiti kong sabi pero mukhang hindi sila nakuntento sa sagot ko.
"Bali balita ay tinakasan mo lang ang isyung buntis ka?" taas kilay na tanong ng isa kaya napangiti ako lalo.
"If ever I'll get pregnant, bakit ko naman itatago?" kibit balikat kong sagot. "There's nothing wrong with being pregnant, please don't make it an issue."
"Are you really pregnant?"
"No." diretsang sagot ko.
"Bakit nakita ka sa clinic ng isang ob?"
"I went there to help someone." matapang kong sagot dahil alam kong nandito sila at handa silang magsalita malinis lang ang issue na to. Pinilit lang ako ni Saf at Naveen tungkol dito.
"Sino ang tinulungan mo?"
"Me." matapang na sagot ni Saf. "Leigh helped me that day." umupo sila ni Naveen sa gilid ko.
"Bakit nagpunta ka sa isang ob? Buntis kaba?" ngumiti ako ng nakakaloko kaya lalo silang naintriga.
"Why would I tell you? Are that important for me to tell you my secrets?" mataray na sagot ni Saf kaya halos matawa ako pero pinigilan ko. "Even though I'm a model, it's not my responsibility to tell you everything." napataas ng kilay ang taong nagtanong.
May narinig akong bulungan na ang sama daw pala ng ugali ni Saf, at bakit madaming humahanga sakanya kung ganyan naman siya.
"You hate me? I don't care." ani Saf. "Hindi ko responsibilidad na sabihin lahat lahat sainyo. Respetuhin niyo kung may sasabihin man ako o wala." napangisi ako nang makitang nalaglag ang panga nila.
"And please stop the issue about Leigh." ani Saf kaya napataas ang kilay ng mga reporters. "Fine." itinaas ni Saf ang kamay niya. "I'm engaged with Leigh's brother, and I'm pregnant. Stop the issue about her because she doesn't deserve the hate." tumayo na si Saf kaya tumayo na din kami.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.