Twenty-one

69 4 0
                                    


Chasing Love: Boyfriend??

* * *

"Hello, Mamita!"

"How are you?"

"I miss you!"

"Ang ganda mo parin Mamita!"

Napa'iling nalang ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko. Kasalukuyan silang nasa sala ng aming bahay, kausap si Mamita.

"Kailan ang balik niyo sa pagmo'modelo?" dinig kong tanong ni Mamita.

"No plans yet, Mamita." sagot ni Kira.

"Wala pa akong project, Mamita." sagot naman ni Divya.

"Katatapos lang po ng sa'kin." ani Saf.

"Wala pang tawag, Mamita." sagot ni Avery.

Dumiretso ako sa kusina para magpahanda ng merienda namin. Ang alam ko kasi susunod ang mga boys dito dahil inaya sila ni Naveen.

Dalawang araw na mula ng mag birthday kami at ngayon lang ulit sila dumalaw sa'min dahil naging busy daw sila.

"Oh, Zahara, nagpahanda na ako ng merienda." tumango ako at lumabas na para puntahan sila Mamita.

Nakaupo sa pang isahan sofa si Mamita habang magkakatabi sa mahabang sofa sina Divya.

Umupo ako sa pang isahan sofa kaharap ni Mamita at nakinig lang sakanila.

"How's your business, Amya?" biglang tanong ni Mamita kaya napaayos ako ng upo.

"Maayos naman po, Mamita." tumango siya sa naging sagot ko at nakipag kwentuhan ulit sa mga kaibigan ko.

Dito sa bahay nag stay sina Mamita at Lolo dahil under renovation ang mansion. Palagi din' may bisita si Mamita dahil nalaman ng mga Amiga niya na sandali lang ang stay niya dito sa pilipinas.

"Oh, mag merienda muna kayo." ani Manang at inilapag ang tray sa mesa.

"Thanks, manang." tumango si manang at iniwan kami. Kumuha ako ng isang basong may juice tsaka ininom.

"Where is Naveen?" tanong ni Mamita. "I thought they're coming?" kunot noo niyang sabi.

"They're still playing basketball, Mamita." sagot ni Saf.

Nagpatuloy lang sila sa pagu'usap kaya tatango tango akong nakinig sakanila.

Hindi din nagtagal ay dumating na ang mga pawisan' lalaki. Napangiwi ako ng lapitan ako ni Naveen.

"Stay away from me!" maarteng sabi ko kaya tinawanan nila ako.

"Arte mo." bulong niya at hinalikan anh tuktok ng ulo ko tsaka nilapitan si Saf at hinalikan sa noo, napanguso ako sa ginawa niya.

"Akala ko ako lang." bulong ko habang nakatingin sakanila.

"Selos ka naman?" mahinang sabi ni Liam kaya nagulat ako.

"Shut up." inis na sagot ko pero tinawanan niya ako kaya lahat sila nakatingin sa'min. "Hoy tumigil ka!" hinampas ko ang balikat niya pero tawa parin siya ng tawa.

Inis akong tumayo at sinamaan siya ng tingin.

"Magluluto lang po ako, Mamita." paalam ko at pumunta sa kusina para makapag luto ng hapunan namin.

Tinulungan ako nila Lisa sa paggayat at paghanda pero ako parin ang nagluto. Si manang ay abala sa paglinis dahil ayaw ni Mamita ng marumi.

Nagluto ako ng kare-kare at steamed fish, dahil wala akong alam lutuin. Naghanda din ako ng dessert.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon