Chasing Love: Small World
* * *
Our sunday went well. I woke up early and prepared breakfast, pambawi kay Naveen. And then, we stay at home. Naglaro ng xbox sa sala, nagbake ng cookies, kumain ng lunch, nagsimba pagdating ng hapon. Pagtapos magsimba, niyaya kami ni Grayson kumain sa isang Korean resto. After we ate, umuwi na sa kanya kanyang bahay.
It's five am, monday! Nag stretching muna ako bago naligo. Halos kalahating oras akong nasa banyo, kaya paglabas ko nagpatuyo na agad ako ng buhok at nagayos.
Five-fifty, bumaba ako para makapag handa ng breakfast. Pagbaba ko, nagkakape na si Zach habang nagbabasa ng dyaryo.
Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi, bahagya siyang napatalon kaya napahagikgik ako.
"Zahara!" lumapit ako ulit at niyakap siya, natawa ako ng bumusangot siya.
"Good morning big bro!" hinalikan ko ulit siya sa pisngi, "Huwag na masyado magkape, ha? Tumatalon kana eh." biro ko at kumuha na ng plato.
"Si Naveen, gising na?" tanong niya, tumango ako. Hindi ako sigurado, hindi ko siya tinignan. "Tsk, hindi mo naman tinignan eh." tumayo siya at mabilis na umakyat, ayaw na ayaw niyang nalalate. Kaya pati kami dapat hindi nalalate. Nagsimula na akong kumain, bumalik si Zach kasunod si Naveen na nakabihis na.
"Aga mo, ah." asar niya sa'kin, tyaka ako hinalikan sa pisngi. "Morning."
"Morning.." bati ko sakanya, "Veen, I want sb..." sabi ko habang nakanguso.
"Ang aga mo naman mag sb, Zahara?" binaba ni Zach ang dyaryo at tinignan ako.
"I don't know, I just want sb now." nakanguso parin ako.
Bumuntong hininga si Naveen tyaka ngumiti sa'kin. "Finish your food, we'll buy after. Alright?" tumango ako at kumain. Spoiled. That's me!
It's already six-thirty am, nakasakay na ako sa front seat, hinihintay ko nalang si Naveen. Pagpasok niya sa sasakyan ay umalis na agad kami para hindi kami malate. Like what he said, ibinili niya ako ng strawberries & cream! Yum!
"Thank you, twin! Love you!" sabi ko tyaka siya niyakap!
"Okay okay! Chill! Late na tayo!" sabi niya, kaya humiwalay ako sa yakap at tinignan ang cellphone ko. Six-forty palang eh.
Mabilis kaming nakarating sa school. Time check, six-fortyfive. Nakakapit lang ako sa braso ni Naveen habang umiinom sa frappe ko. Bigla nalang may humarang na apat na babae sa'min.
"Zaccheus!" sigaw niya, duh! Kaharap niyo lang siya, no need to shout!
Kumunot ang noo ng kapatid ko, tinignan naman ako ng masama ng isa sakanila tyaka bumaba ang tingin sa braso kong nakakapit kay Naveen.
"Who are you?" tanong ng medyo matangkad at morenang babae. Tinignan ko siya ng maigi, malalim ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at naka ponytail ang kulay brown niyang buhok. I didn't know na pwede pala ang nakakulay ang buhok sa school na 'to. Obviously, pinakulay niya lang ang buhok niya, dahil may black ito sa may anit niya. Base sa suot niyang uniform, senior rin siya. "Who the hell are you?! Bakit ka nakakapit kay Zaccheus!" sigaw niya sa harapan ko, tingin ko ngayon lang 'to pumasok. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Pagtingin ko sa mukha niya, tinaasan ko siya ng kilay.
"You wouldn't want to know..." mahina kong sabi. Kumunot ang noo niya.
"Ha! Who the hell are you?! Ngayon ko lang nakita ang pangit mong mukha sa eskwelahan' 'to!" sigaw niya, napaatras si Naveen at inilalagay ako sa likuran niya, pero hindi ako nagpatianod.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.