Thirty-two

91 3 0
                                    



Chasing Love: Misunderstanding

* * *

Gulat na gulat ako habang nakatingin kay Grayson na ngayon ay nakangiti sa harapan namin.

"Its so nice that you're here." ani Rose at ngumiti ng malapad. "So!" pinilit kong ayusin ang sarili ko para hindi maging halata na gulat ako sa nangyari.

"Balik tayo sa tanong." sabi ni Mae. "Kamusta kayong dalawa?" hinawakan ni Gray ang kamay ko tsaka ngumiti.

"We're good." nakangiti niyang sabi kaya ngumiti din ako.

Tumawa ng nakakaloka si Rose at inalog-alog si Mae.

"Wala pa man, kinikilig na ako!" sobrang ngiti si Rose kaya nahawa ako. "Bagay na bagay talaga kayo!"

"Thank you." nakangiti' sabi ni Gray at hinalikan ang kamay ko kaya nag hiyawan ang dalawang host at ang mga audience.

Madaming tinanong sina Rose at Mae tungkol samin' dalawa kaya sinasagot lang namin.

"So!" ngumiti ng nakakaloko si Rose, "Ang balita ko ay engaged na kayo?" hindi na ako nagulat sa tanong dahil maraming naka witness ng proposal ni Grayson.

"Yes." sagot ni Gray at pinakita ang engagement ring ko.

"OMG!! So totoo nga!?" si Mae na hindi makapaniwala, nakangiti lang akong tumango bilang sagot.

"Kailan ang kasal?" biglang tanong ni Rose kaya natigilan ako.

"When she's ready to let go of everything that she have, we'll get married then." seryosong sagot ni Gray sakanila.

"Bakit nag propose kana agad?" takang tanong ni Rose.

"So that everyone will know that she's mine, only mine." nagtilian nanaman sila kaya namula ako.

"Thank you for visiting!" ani Mae nang mahimasmasan sila ni Rose, "It's a pleasure having the both of you here." ngumiti ako at nakipag kamay sakanila.

"For you." inabutan ako ng bouquet ni Rose kaya tinanggap ko 'yun. "We'll be right back!"

Pagtapos ng show ay magkakasama kami sa backstage kaya halos durugin ako ni Rose sa yakap!

"Bagay na bagay talaga kayo!!" kinikilig na sabi niya kaya natawa ako.

"We'll better get going.." biglang sabi ni Gray kaya napalingon ako sakanya. "See you next time." nginitian niya sina Mae at Rose. Nag picture muna kaming apat bago umalis.

Nang makasakay kami sa sasakyan ni Gray ay mabilis niya 'yong pinagana at pinaandar.

"Where are we going?" takang tanong ko.

"Hotel." tumango lang ako at tumahimik dahil napagod ako sa mga ginawa ko ngayon araw.

Hindi rin naman naging matagal ang byahe namin papunta sa hotel nila. Pagka hinto ng sasakyan niya sa harapan ng hotel ay lumapit ang bellboy at pinag buksan kami ng pintuan. Mabilis kaming bumaba at naglakad papasok sa hotel.

Nakasunod samin ang mga body guards ni Gray kaya walang makalapit samin. Dire-diretso lang ang lakad namin papunta sa elevator. Tahimik lang kaming dalawa pag sakay namin sa lifter.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon