Chasing Love: Surprise* * *
"Babe!!" dinig kong sigaw ni Naveen mula sa labas ng kwarto ko.
Nakauwi na kami mula sa tatlong araw na bakasyon namin sa zambales.
Dito nakatira sa bahay si Saf dahil maselan nga ang pagbubuntis niya, 'yun din ang gusto ng mga magulang ni Saf dahil tinatapos na nila ang mga kailangan nilang gawin para hindi daw sila maabala sa kasal ng anak nila.
"Stop throwing my things!" kumunot ang noo ko sa sinigaw ni Naveen. Ano nanaman ba ang ginagawa ni Saf?
Sinilip ko sila mula sa kwarto ko dahil malapit lang ang kwarto ni Naveen dito. Nakita kong nakabukas ang pintuan ni Naveen, tapos sinasalo niya ang mga binabato ni Saf.
"Umalis ka dito! Ayoko sayo!" dinig kong sigaw ni Saf mula sa kwarto. "Ayoko sayo!"
"Babe, calm down." sinubukan lumapit ni Naveen pero may binato nanaman si Saf.
"Huwag kang lalapit!" sinubukan kong lumapit sakanila. Nakita ko si Saf na nakaupo sa sahig habang binabato ang anumang mahawakan niya.
"Anong nangyayari?" takang tanong ko kay Naveen na namumutla na.
"Leigh!" mabilis na tumayo si Saf pagkakita sakin.
"Hey careful!" lalapit sana si Naveen pero binato ni Saf ang hawak niyang remote, lumapit ako kay Saf at inalalayan siya.
"What happened?"
"Paalisin mo siya dito! Ayoko sakanya! Ang baho baho niya!" napakunot ang noo ko, hindi kaya si Naveen talaga ang pinaglilihian ni Saf? Palagi niya kasing inaaway si Naveen nitong nakaraan araw eh.
"Hey, come with me." inalalayan ko siya palabas sa kwarto ni Naveen. "Stay here." matigas kong sabi kay Naveen. "Clean your room and then take a bath. Gamitin mo ang sabon ni Saf, huwag kang magpapabango." tumango lang siya at sinunod ang utos ko.
Sinama ko si Saf sa kwarto ko para makapag pahinga muna siya. Ang aga kaya nilang magaway! Alas sais palang ng umaga!
"Take a rest." utos ko kay Saf. Ayokong siya ang nasusunod dahil hindi siya magpapahinga. Gusto ko sinusunod niya ako dahil hindi naman niya sinusunod si Naveen, imbis ay inaaway niya pa.
"Leigh." nilingon ko siya. "I want to see Grayson..." nakangusong sabi niya. "Please..."
"Matulog ka muna, pag gising mo nandito na siya." ngumiti siya at pumikit.
Anong gagawin ko? Ang alam ko busy si Grayson ngayon araw dahil ilang araw siyang nagbakasyon. Lumabas ako ng kwarto at tinignan si Naveen.
Linilinis ni Alice at Lisa ang kwarto niya, nag spray din sila ng pabango ni Saf. Napangiti ako dahil sinunod ni Naveen ang utos ko.
"Naveen?"
"I'm here." lumingon ako dahil nasa likod ko pala siya.
"Saf wants to see Gray."
"Call him." tamad niyang sabi tsaka naglakad pababa, sumunod naman ako sakanya dahil wala na akong gagawin dito sa taas. "Mag hilamos ka nga muna, bababa ka nang ganyan ang itsura mo?" napairap ako sa sinabi niya.
"Wala naman' ibang tao ah?" nanguna ako sa paglalakad pero napahinto din dahil sa sinabi ni Naveen.
"Grayson's parents are downstairs, kausap nila Mom." mabilis pa sa alas kuatro ang pagakyat ko pabalik sa kwarto ko para makapag ayos!

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
Genç Kız EdebiyatıOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.