Chasing Love: Who is he?
* * *
Paguwi namin agad kong nilinis ang sugat ni Zachary. Nauna kasi kaming umuwi, hindi na'ko sumabay kay Naveen dahil inayos niya pa 'yung nangyari. Pagkatapos kong nilinis ang sugat niya, nagpaalam na agad ako para makapag pahinga na. It's already eleven in the evening.Mabilis akong naligo at nagayos pantulog, at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, normal na araw lang para sa'min. Maaga kaming nagising para mag exercise, tapos nag breakfast sa labas. Naglaro din sila ng basketball pagdating ng hapon, kaya nanood lang ako sakanila.
"Zaccheus!" sigaw ng isang tao.
"Tara laro na tayo!" sigaw pabalik ng kapatid ko. Mabilis na tumakbo ang mga kaibigan niya at nakipag fist bro sa mga kapatid ko. Mukhang okay na sila. That's good.
Tumayo ako at nag stretching, magja'jog nalang ulit ako kesa maburyo ako rito.
"Jog lang ako, Zach." paalam ko kay Zach, tumango siya at naglaro na.
Nung una, nagikot ikot lang ako sa court, pero nung magsawa ako sa view, nagikot na ako sa village. Hooh! Ang sarap ng hangin!
Napahinto ako sa katabing street namin dahil may dumaan na truck, mukhang may bagong lipat. Nung makalampas na sa harapan ko 'yung truck, tumakbo na ulit ako.
"Zhar!" sigaw ng isang tao kaya napahinto ako tyaka siya nilingon.
"Kira!" tawag ko tyaka siya nilapitan.
"Jog?" tumango ako, "Bakit hapon? Dapat kaninang umaga, ang lamig!"
"Nag jog karin ba? Anong oras?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis.
"Bandang six na ako nakapag jog, nalate ako ng gising." nakangusong sabi niya. "May bagong lipat dun sa katabing street niyo, ah?" nagkibit balikat ako tyaka siya tinapik sa balikat.
"Punta kayo sa bahay, magluluto ako." tumango naman siya. "Una na ako. Tawag nalang kayo!"
"Ingat, Zhar!" kumaway kaway pa siya, napailing nalang ako sa kakulitan ng kaibigan ko.
Pagbalik ko sa court, naglalaro parin sila. Kailangan kong mauna umuwi para makapag luto ako.
"Zach, una na ako." paalam ko kaya napahinto siya sa pagtakbo. Ganun din ang mga kasama niya.
"Oh, bakit?" tanong niya.
"I saw Kir, niyaya ko sila sa bahay. Magluluto sana ako." tumango naman siya. "What do you want?" tanong ko sakanya.
"Pasta, my princess." tumango ako.
"Babe, pakidamihan ah? Sama sila eh." sabi naman ni Naveen, tumango ako. Inayos ko muna ang gamit nila bago sila iniwan.
Pagdating ko sa bahay, umakyat ako agad para maligo. Pagkatapos ay bumaba na agad ako.
"Manang..." tawag ko sa kasama namin sa bahay.
"Bakit po?" lumapit siya sa'kin.
"Luto po tayo, darating mga kaibigan ko at ni Naveen." tumango siya. "Mayroon po bang pasta? Pasta daw gusto ni Zach eh."
BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.