Chasing Love: Sick.* * *
Sa mga nakalipas na linggo, naging busy ako sa pagpapatakbo ng café & restaurant. Abala naman sila Naveen sa page'ensayo ng basketball dahil sila ang magre'represent ng school sa tournament na sinalihan nila. Ang mga kaibigan ko naman ay may kanya-kanyang kailangan gawin dahil may mga business na pinahawak ang mga magulang nila. Hindi naman sila nakakalimot pumasyal sa'kin, o 'di kaya ako ang bumibisita sakanila.
"Damn! Ang sakit ng katawan ko!"
"Ayoko na! Sasabog na ang utak ko!"
"Kailangan ko ng pahinga!"
Sabay sabay na reklamo ng mga kaibigan ko habang nakahiga sa kama ko. Nandito kami ngayon sa bahay, I mean pinuntahan nila ako dahil day off ko sa trabaho.
"Mabuti pa si Zahara hindi stress!!" ani Kira habang minamasahe ang kanyang sentido.
"Oh shut up, Kira, pare-parehas lang tayo!" ani Divya at dumapa.
Umiling ako at iniwan sila sa kwarto ko para makapag pahinga. Dumiretyo ako sa kusina para makapag bake ng cupcakes at cookies.
Madami dami narin akong naisulat sa book of recipes ni Zachary mula nung magumpisa akong magtrabaho at madami din akong nailagay na bagong pagkain sa menu ng café.
Nasa kalagitnaan ako nang paglalagay ng cupcakes sa oven nang may narinig akong ingay sa sala. Tinuloy ko nalang ang ginagawa ko at hinayaan silang mag ingay.
"Manang!" sigaw ni Naveen. Mukhang nakalimutan niyang linggo ngayon ah? Lumabas ako ng kusina at pinuntahan sila. "Oh? Nasaan si Manang?" takang tanong niya.
"Sunday." maikling sagot ko na nakapag pa tango sakanya. Ngumuso siya at tinignan ako. May kailangan 'to.
"Pwede mo ba kaming igawa ng merienda? Please?" malambing niyang sabi. Umirap ako at iniwan sila para ikuha ng merienda.
Naglabas ako ng mga baso at inilagay ko sa tray pati narin ang pitchel. Tapos naglabas din ako ng cookies. Inilabas ko sa sala ang tray na may laman juice, baso at cookies.
"Bakit ang daming baso?" tanong ni Kellen. "Tayo lang naman ang nandito, ah?"
"My friends." maikling sagot ko at inilapag ang tray sa mesa tapos iniwan sila para pababain ang mga kaibigan ko.
Pagpasok sa kwarto nadatnan ko ang mga kaibigan kong nanonood ng movie.
"Hey, baba kayo, nandon ang boys." pinatay nila ang tv at lumabas na ng kwarto ko.
Inayos ko muna ang iniwan nilang kalat, I mean ang magulong kama, ang nakabukas na tv at ang mga bag nilang hinagis nila pagpasok sa kwarto. Pagbaba ko ay nagtatawanan na sila. Dumiretyo ako sa kusina para kunin ang cupcakes.
"Here." inilapag ko ang tray at umupo na sa sofa.
"Woah! Free cupcakes from the owner of AZL Café!" ani Kellen.
"Delicious!" komento ni Quentin.
Kumain silang lahat ng cupcake habang nagku'kwentuhan. Hinayaan ko lang sila, at patuloy parin ako sa pagasikaso sakanila.
Mga five thirty ng hapon nung naisipan nilang mag sleep over, kaya naman naisipan kong magluto ng dinner namin lahat.
Dalawang dish mula sa mga bagong recipe na ginawa ko ang iniluto ko para sakanila.
"Ang bango!" komento ni Kira pagpasok ko sa dining area dala ang ulam.
Inilapag ko ang ulam sa mesa at umupo na.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.