Chasing Love: Untitled.* * *
Every single day of my life changed. May asawa't anak na ako kaya maraming nagbago. Lalo na't hindi biro ang magalaga ng anak habang nagta'trabaho.
Pagkatapos kong nanganak ay nagpahinga at nagpalipas kami ng tatlong buwan bago ako bumalik sa trabaho. Pinayagan ako ni Gray, tinulungan kasi ako ni Saf na pilitin siyang bumalik ako sa pagmomodel.
Maraming nagtanong kung saan ako nanggaling at bakit nawala ako bigla pagkatapos ng kasal ko. Hindi ako sumagot. Hindi dahil tinatago ko ang anak ko, kundi dahil gusto kong manatiling pribado ang buhay ko lalo na't may asawa na ako. Ayokong mapahamak ang anak ko lalo na't wala pa siyang kamuwang muwang sa mundong ginagalawan namin.
"Leigh?" I heard Fern's voice. Yep, nandito din siya sa LA dahil 'yon ang gusto ni Mamita.
"Come in." bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok si Fern. "What is it, Fern?"
"Kinukuha kang brand model ng isang car company." napataas ang kilay ko, car company... "Nag set sila ng meeting mamayang hapon para makita ka ng personal."
"Pumayag ka?"
"Uh, si Madame kasi ang pumayag at hindi ako." napairap ako, sabi ko na nga ba eh. "Pero kung ayaw mo, okay lang! Wala kapa naman' pinirmahan' kontrata." bumuntong hininga ako.
"What time?" natigil siya sandali sa tanong ko..
"Five pm!" sagot niya nang makabawi sa pagkagulat. Napangiwi ako. May schedule kami ni Grayson mamayang five...
"Can you move it by three? I have something to do later." napakurap siya sa sinabi ko at nagmadaling kinuha ang phone habang tumatango sakin.
"Hello Mr. Lim? Uh, Miss Leigh is not available by five pm... can we move the meeting at three pm?" napakunot ang noo niya at pinakinggan ang kausap.
Humalukipkip ako at hinintay siyang matapos sa pakikipagusap kay Mr. Lim, daw.
"Thank you so much, Sir! Have a good day." binaba ni Fern ang phone tsaka humarap sakin.
Tinaas ko ang isang kilay habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Pumayag siya." tumango ako. "Balikan nalang kita, paalala ko lang sayo ah! May shooting ka bukas!" umirap ako tsaka tinuloy ang ginagawa kanina.
Magi'isang taon na si Reeve kaya inaasikaso namin ni Grayson ang birthday party niya. Gusto kasi ni Mamita na kahit papaano ay icelebrate namin ang first birthday ng panangay namin. Syempre gusto ko rin naman, pero hindi din maiiwasan na matakot ako baka may mangyaring hindi maganda.
Nang mag alas tres ay nagpunta kami ni Fern sa tabing restaurant ng company at dumiretso kami sa private room nila.
Nadatnan namin ang dalawang taong abala sa paguusap. Mukhang nasa mid fifties na sila, singkit ang isa, mukhang filipino ang isa.
"Mr. Lim, Sir." ani Fern kaya napalingon sila samin.
"Manager Lee!" tawag ng isa kay Fern.
"Leigh, meet Mr. Lim." naglahad ng kamay ang tinawag na Mr. Lim kaya tinanggap ko 'yon.
"Glen Lim." pakilala niya sa sarili niya.
"Leigh Lopez, Sir." ngiting sabi ko at binitawan ang kamay niya. "Nice to meet you, Sir."
"It's nice to finally meet you in person, Leigh." ngiting sabi niya. "By the way, this is Manuel Santos, he's filipino.."
BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
Chick-LitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.