Chasing Love: Marry* * *
Grayson Ryker
Seryoso siyang nakatingin sa screen ng kanyang laptop habang naka krus ang mga paa. Hindi ako magsasawang titigan ang kanyang mukha. Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa'kin!
"Yes?" taas kilay niyang tanong kaya umayos ako ng upo. Umayos ka, Grayson!
"Za!" tawag pansin ni Divya sakanya kaya nawala ang paningin niya sa'kin. "Anong gusto mong regalo?" kumunot ang noo niya at napaayos ng upo.
"Para saan?" takang tanong niya kay Divya..
"Birthday ko kasi bukas, bibilhan kita ng regalo." umirap si Amya nang makuha ang gustong iparating ni Divya.
"Wala akong gusto." ibinalik niya ang tingin sa laptop at nagumpisa ng magtrabaho ulit.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan dahil sa sinabi niya. Ano bang kailangan namin gawin para maging abala siya at matapos namin ang plano namin?
"Leigh!" bungad ni Fern pagbukas sa pintuan ng opisina ni Amya. "Oopps, sorry..." mahinang sabi niya at nag peace sign sa'min bago dumiretso kay Amya.
"Ano?" malamig na tanong ni Amya, hindi manlang liningon si Fern.
"Uhh, kasi..." naiilang na sabi ni Fern at tinignan kami, kunot noo naman' lumingon si Amya sakanya.
"Masasabi mo ba yan? Busy ako." masungit na sabi niya kaya bumuntong hininga si Fern.
"Pinapatawag ka ni Mamita, may paguusapan daw kayo sa opisina niya." mahinang sabi ni Fern.
"Five minutes." ani Amya tsaka mabilis na sinara ang laptop. "I'll be back." ani Amya sa'min at lumabas na ng opisina.
"Oh! Anong plano?" si Kira paglabas ni Amya.
"Okay na ang venue pati ang food." sagot ko at humilig sa upuan.
"Nasakin ang list of guest." ani Fern habang may tinitignan sa notebook na dala.
"Paano natin siya mapa'papunta sa venue?" tanong ni Kellen.
"Sabi ni Mamita siya na ang bahala." ani Zeus. "Grayson, abang kalang sa iuutos ni Mamita." tumango ako. "Girls, kailangan ready na ang kakailanganin niya."
"Ready na ang damit niya." sagot ni Saf habang may pinipindot sa phone.
"Okay na ang makeup niya." si Avery habang may tinetext.
"Kailangan mauna tayo sakanya bukas sa venue." ani Divya na sinangayunan ng lahat.
"Pero dapat ––––." naputol ang sasabihin ni Kira ng pumasok si Amya sa opisina niya.
"Anong pinaguusapan niyo?" takang tanong niya.
"Uh.. Gusto kasing mag burger ni Div..." ani Jackson. "Kaso gustong mag pizza ni Kira.."
"Oh? Bakit hindi kayo magpa deliver?" kunot noo'ng sabi ni Amya.
"Eh ano kasi..." si Kira.
"Ako nalang ang tatawag." ani Amya at kinuha ang phone tsaka nagumpisang nagtipa.
Nagkatinginan kaming lahat. Naniwala siya?
"Ano pang gusto niyo?" tanong niya habang nasa tainga ang phone.
"Fries."
"Buffalo wings, please."
"Chicken!!"
BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.