Thirty-six

69 2 0
                                    



Chasing Love: Baby

* * *

Tinitignan ko si Seth na pinipilit abutin ang kamay kong nakapatong sa maliit niyang hita. He's five months old now, and I'm five months pregnant. Tinanong nga ako ng doctor kung gusto ko daw bang icheck ang gender ng baby pero ang sabi ko kapag malapit nalang siyang lumabas! Masaya na akong malamang healthy siya sa loob ng sinapupunan ko.

"Hello there, Sethy!!" ani Ana, nandito siya sa Los Angeles para sa isang business matter. Dito na namin siya pinatira sa bahay para hindi na siya mahirapan. Napasimangot ako sa tinawag niya sa pamangkin ko.

"It sounded like a girls name..." nakasimangot kong sabi kaya natawa siya at kinuha sakin ang pamangkin kaya naman umiyak bigla si Seth.

"Oh no!! No!! Stop crying, little boy..." sinubukan niyang patahanin si Seth pero hindi siya nagtagumpay kaya naman tumayo na ako at kinuha ang pamangkin sakanya. Tumahan ang pamangkin ko kaya nanlaki ang mata ni Ana.

"Oh my gosh!" gulat niyang sabi. "Tumahan siya agad!" napangisi ako, hindi niya nga pala alam na gustong gusto ako ng pamangkin kong 'to.

"Za!" gulat na tawag ni Naveen pagpasok sa bahay tsaka kinuha sakin ang anak. "Bakit kaba nakatayo habang buhat si Seth? Alam mo naman' buntis ka tapos medyo matimbang pa ang pamangkin mo!" nakanguso akong umupo ulit sa sofa at inilahad ang kamay.

"Akina! Umiiyak nanaman sayo oh!" maingat niyang pinakarga sakin ang pamangkin kaya natawa si Ana.

"Ayaw pala kay Daddy, gusto kay Tita!" bumeso sakin si Ana at nagpaalam na may pupuntahan.

Ang alam ko kasi, siya ang namamahala sa ibang kompanya ng mga Salvador dahil walang balak ang mga pinsan nila. May kanya kanya kasi silang negosyo kaya ang negosyo at kompanya talaga na ipinundar ng Lolo't Lola nila ay napunta kina Grayson.

Dalawang buwan na kami sa Los Angeles, at hanggang ngayon naninibago parin ako. Hindi kasi ako sanay na wala sila Mamita sa bahay lalo na tuwing nandito kami o dikaya sa New York.

"Where's Grayson?" takang tanong ko sa kambal nang mapansin siya lang magisa ang dumating.

"Madaming tao sa resto, hindi niya maiwan." napaawang ang labi ko.

Mula kasi ng dumating kami rito, sinubukan maghanap ng trabaho ni Gray para may pang gastos raw habang nandito kami. Ayaw kasi niyang gamitin ang perang galing sa mga magulang niya. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at sinabi kong may restaurant akong pinaayos kay Zach para samin! Actually ang pinaka main branch lang ng AZL 'yon pero matagal ko ng pinasara dahil nga umuwi ako sa New York at pilipinas.

Gusto kong tulungan si Gray sa pamamahala ng restaurant okaya sa pagtulong sa kusina pero ayaw niyang pumayag lalo na't limang buwan na akong nagdadalan' tao.

"Si Saf?" tanong kong muli sa kapatid kong umiinom ng juice.

"May pictorial na pinuntahan." natutuwa ako sa kapatid ko. Pinayagan niyang magmodelo ulit si Saf habang nandito kami sa LA. Mabuti na nga lang at may maliit na kompanya ang Lopez Modeling Agency dito kaya naman hindi na niya kailangan pumunta sa New York tuwing kailangan siya.

"How's Seth?" tanong ni Naveen nang mapansin tahimik ang anak.

Habang lumalaki ang anak niya, mas nagiging kamukha niya... Ewan ko ba, pero gustong gusto talaga ako ni Seth. Maliban kasi kay Saf ay sakin lang siya sumasama. Kapag kay Naveen naman ay umiiyak lang siya.

"He's sleeping.." hinaplos haplos ko ang pinkish na pisngi ng pamangkin ko habang mahimbing siyang natutulog.

"Balikan ko lang si Gray, you okay?" tumango ako at akmang tatayo nang pigilan ako ni Naveen.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon