Chasing Love: Hinanap...
* * *
Bumuntong hininga ako at nagtuloy sa paglalakad, may pakpak talaga ang balita. Taas noo akong naglakad pabalik ng room, alas tres na ng hapon, biyernes.
"Smith pala talaga siya no?"
"Oo! Hindi ko lang siya namukhaan dahil nung pinakilala siya sa business world galing kaming restroom tapos nakatalikod na siya."
"Kaya pala ang ganda niya, pati na ang tindig niya."
"Oo nga, I pity Brittany for bullying her."
"Hindi niya kilala ang kinalaban niya."
"Lagot siya kay Zaccheus kapag sinaktan niya ulit si Zahara."
Hinayaan ko ang mga nagbubulungan. Kailan ba ako masasanay?
Pagdating ko sa fourth floor, natanaw ko si Grayson na nasa may pintuan ng room namin. Nauna akong natapos sa long quiz namin ng two pm class kaya lumabas ako ng room at nagpahangin.
"Where have you been?" tanong agad ni Grayson paglapit ko, nagkibit balikat ako at pumasok sa room.
"Oh! Saan ka galing?" tanong ni Kira, well guess what? Isinigaw niya 'yon. Hindi ko siya pinansin, dumiretyo lang ako sa pwesto ko at umupo.
"Saan ka galing?" bulong ni Divya. "Kanina kapa hinahanap ni Naveen at Grayson." kunot noo ko siyang nilingon.
"Lumabas ako ng school." sagot ko. "Dyan lang sa coffee shop sa tapat."
"Oh? Anong ginawa mo? Dapat sinama mo'ko." nakanguso niyang sabi.
"Kilala mo naman si Kir at Ave, hindi papayag ng hindi sila kasama." bumuntong hininga ako. "Inisip ko kasi kung kakausapin ko si Liam."
"Siya 'yung tumawag nung martes kaya ka umalis no?" tumango ako.
"Hoy! Anong pinaguusapan niyo dyan? Bakit hindi kami kasali!" nakangusong maktol ni Kira, nagiwas ako ng tingin at doon ko napansin na seryosong nakatingin sa'kin si Grayson.
"Babe."
"Hm?" tinignan ko si Naveen.
"Can you cook spaghetti later?" tumango ako tyaka yumuko.
Minutes passed, our prof didn't show up. Busy ata sila para sa Acquaintance. Mabilis akong nagayos at tumayo.
"Oh? Uwi naba tayo?" tanong ni Kellen. "'Di tayo magclub?"
"No, stay faithful man." ani Quentin at tinapik siya sa balikat.
"Damn bro, I don't have a girl!" ani Kellen habang sinusukbit ang bagpack niya.
Hindi namin siya pinansin, habang pababa kami kung ano ano ang sinasabi niya. Si Kellen at Kira ang pinakamakulit sa'min.
"Hell, Gage! Shut up!" iritang sabi ni Naveen. Natawa naman kami, tinignan ko si Kellen na nagkakamot ng batok.
Pagdating namin sa parking lot agad akong pumunta sa sasakyan ni Naveen. Nagulat ako ng binigay niya sa'kin ang susi. Oh! Gets.
"Punta nalang kayo sa bahay, Amya will cook." ani Naveen, umiling ako at binuksan ang sasakyan niya. Inistart ko 'yon at binuksan ang aircon.
"Aren't we going to party?" tanong ni Kellen. "I want to party man!" aniya at tinapik sa balikat si Naveen. Irita naman siyang tinignan ng kambal ko.

BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
Chick-LitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.