Chasing Love: My love.* * *
I'm freakin out!! Damn it! I can't believe it's happening now!! I'm getting married!!!
"Umayos ka nga!" sita ni Divya sakin habang nakapamaywang sa harapan ko. "Mukha kang gaga sa ginagawa mo eh." narinig kong tumawa si Kira at Avery sa sinabi niya.
"Bakit ba kasi mukha kang ninenerbyos?" takang tanong ni Chiara.
"Oh come on! Don't tell me kinakabahan ka na baka hindi sumipot si Gray?" si Divya, hindi ako sumagot kaya natawa siya! "Baliw!!" nagtawanan silang lahat kaya napasimangot ako.
"Za, higit sampung taon ka ng hinihintay ni Grayson, tingin mo ngayon pa siya hindi sisipot?" si Avery habang hawak ang kamay ko. "Mahal ka ni Gray, tandaan mo yan." tumango ako at tinignan ang sarili sa salamin.
Nakasuot pa ako ng night robe dahil masyadong malaki ang gown ko. May pictorial pa kasing magaganap dito sa hotel room kasama ang mga bridesmaid ko.
Pinagstay na ako sa hotel mula kahapon at dalawang araw na kaming hindi nagkikita ni Grayson dahil ikinulong siya nila Tito Tyler at Tita Gabriella. Gusto nilang sumunod sa pamahiin. Pero ang alam ko dapat ang araw bago ang kasal lang, paano naging dalawang araw? Hmm...
"Ready na ba?" tanong ni Fern kasama ang mga photographers.
Pinapwesto nila kami at inayusan saglit bago nagumpisa ang pictorial. Hindi ko alam kung nakailan shot na kami bago may kumatok sa pintuan.
"Pinapabigay po." napakunot ang noo ko dahil may hawak na maliit na box si Fern at inabot yun sakin.
Kunot noo kong binasa ang letter.
Love,
I can't wait to see you, please hurry up!! I love you.
Ryker.Napangiti ako at dali dali kong binuksan ang box. Napaawang ang labi ko ng makita ang laman ng box!
"Oh my god!" react ng mga bridesmaid ko habang nakatingin din sa box.
"Baliw na nga siya!" react ni Kira kaya natawa ako tsaka dahan dahan kinuha ang regalo ni Grayson sakin.
It's a freakin key!! At halata naman na susi 'yon ng sasakyan! Base sa susing hawak ko, jeep ang sasakyan' yon pero hindi ko alam kung ano at anong kulay niya!
Nang matapos ang pictorial ay pinalabas na sa kwarto ang mga bridesmaid dahil kailangan na nilang magbihis at mauna sa simbahan. Paglabas nila ay binihisan na ako.
Naluluha ako habang tinitignan ang sarili sa salamin. Totoo na 'to! Ikakasal na kami ni Gray!!
Hindi ko alam kung paano ko ide'describe ang suot kong gown ngayon! Masyadong maganda at pinaghandaan para sa dalawang buwan preparasyon!
BINABASA MO ANG
Chasing Love - COMPLETED
ChickLitOnce you fall in love, no one can stop you. Grayson proved to everyone that true love waits, and no matter what happened he will always love and sacrifice everything for his Amya.