Seven

50 2 0
                                    

Chasing Love: Indirect.

* * *

"Liam." mahinang sabi ko. Anong ginagawa niya dito?

"Nakita kasi kita kanina, nagalala ako kaya sumunod ako dito." aniya at hinawakan ang kamay ko. "What happen?"

"Uhh.. Just, girly thing." tumango siya at tinignan ang warm compress sa tyan ko.

"Masakit pa? I-I can buy you med." umiling ako at nagiwas ng tingin. Ayoko ng ganito, nandito siya ngayon sa tabi ko na parang walang nangyari noon. "Zara..." tawag niya ngunit hindi ko siya tinignan. "I want to explain my side.." mahina niyang sabi, umiling ako.

"Not now, I'm not in the mood for drama.."

"Oh... Okay, ahh. Are you hungry?" tanong niya, umiling ako. "Anything you need?" I sigh heavily.

"I want to rest." pinikit ko ang mata ko.

"Okay, I'll stay here for a while."

Hinayaan ko siyang bantayan ako, ayaw kong buksan ang mga mata ko dahil alam ko sa sarili ko, titignan ko lang siya.

After how many minutes, nakatulog ako dahil sa sakit.

"What the! Anong ginagawa mo dito?!" nagising ako dahil narinig ko si Naveen. Mabilis siyang lumapit sa'kin at kinuha ang kamay kong hawak ni Liam. "Lubayan mo ang kapatid ko, Lopez." mariin niyang sabi. Tumayo si Liam at tinignan ako.

"May kasama kana, alis na ako. Pagaling ka." aniya at tuluyan ng umalis.

"Bakit siya nandito?! Anong ginawa niya sayo?" tanong ni Naveen, hinaplos niya ang buhok ko. "Masakit paba?" umiling ako para hindi na siya magalala.

"Zahara.." ani Divya at tuluyan lumapit sa'kin. "I saw Liam, galing siya dito?" tumango ako at umupo. "Hey, magpahinga kapa."

"No, ayos lang ako.." tumango siya at naupo sa gilid ng kama. Ganun din ang ginawa ni Naveen.

"Bakit ba kasi magisa siya? Nasaan si Grayson?" tanong niya kay Divya.

"Iniwan ko siya rito, sabi ko sunod siya after five. Pero two hours na ang lumipas wala pa siya."

"Pinasunod ko siya sainyo, para makakain na siya. Umalis siya after five, Div." tumango si Div. Kumunot ang noo ni Naveen.

"Oh! Nandito pala kayo." ani Grayson at lumapit sa'min. May hawak siyang isang box ng pizza at paperbag.

"Saan ka galing?" tanong ni Naveen at tumayo, lumapit sa kama si Grayson at nilapag ang dala niya sa mesa sa gilid ko.

"Ah! Sorry I forgot to text you earlier na lalabas ako." inilabas niya ang nasa paperbag at nanlaki ang mata ko dahil fries at milktea ang laman non! Damn, binilhan niya ako.

"Bakit ka bumili nyan?" tanong ulit ni Naveen.

"Tinanong ko kasi si Zahara kung anong cravings niya, kaya binilhan ko siya." binuksan niya ang box, "Kain kana." inilapit niya sa'kin ang box. Kaya kumuha ako, grabe nakakahiya.

"Kumain kana ba?" mahinang tanong ko, umiling naman siya at ibinalik sa table ang box. "Halika saluhan mo ako." nagulat siya sa sinabi ko.

"Are you sure?" tumango ako.

"Dito kana sa kama Grayson, dalhin mo ang pizza." ani Divya, sinunod naman siya ni Grayson.

Umupo siya sa gilid ko at pinatong ang box sa hita niya, umiling ako at hinatak ang box papunta sa may legs ko. Naka kumot naman ako so okay lang.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon