Twenty-nine

56 3 0
                                    


Chasing Love: mine

* * *

Kasalukuyan akong nakatingin sa mga nagtataasan' building mula dito sa opisina ko. Nandito ako sa kompanya dahil ano mang oras ay maguumpisa na ang press conference na sinasabi ni Mamita.

Isang linggo na mula nang sabihin ni Mamita sa lahat ang tunay kong pagkatao. Kaya ako nanaman ang laman ng balita.

"Are you ready?" napalingon ako kay Tobias na nakatingin sakin. Dahan dahan akong tumango tsaka liningon ang glasswall.

"Leigh..." tawag ni Fern. "Maguumpisa na." tumayo ako at inayos ang sarili bago sumunod kina Fern at Tobias.

Pagdating namin sa hall ng kompanya ay maraming press na nagaabang. Nakaupo na si Mamita sa may mini stage, at may tatlo pang bakanteng upuan sa gilid niya.

Pag pasok namin ni Tobias ay nagkagulo ang mga press, nasilaw ako sa flash ng mga camera nila.

Umupo ako sa tabi ni Mamita, umupo naman si Tobias sa gilid niya, so bakante ang tabing upuan ko.

"Shall we start?" ani Fern, na magiging host sa araw na 'to. Tumango si Mamita bilang pagsangayon. "Who wants to go first?" nagtaas ng kamay ang isang press kaya inabutan siya ng mic.

"Bakit niyo po tinago sa mga tao ang tunay na pagkatao ni Leigh?" unang tanong palang parang gusto ko ng umayaw.

"Well." ngumiti si Mamita, "We all know na kilalang tao ang mga Smith, at ayaw nila ng issue. Tinago ko ang pagkatao ni Leigh para hindi magambala ang mga Smith." tumango tango ang mga press na tutok samin. "Ginusto ko rin gamitin ni Leigh ang apelyido ng asawa ko dahil siya ang nagiisang apo namin' babae."

"Bakit niyo ito sinasabi ngayon? Bakit niyo binulgar ang totoong pagkatao niya?" panibagong tanong nila.

"Hindi naman habang panahon maitatago namin ang katotohanan. Lalo na't maraming nakaka'kilala sakanya bilang Zahara."

Maraming mga tanong tungkol sa pagkatao ko, si Mamita lang ang sumasagot dahil sakanya 'yon tinatanong.

"Nabanggit niyo nung party na in a relationship na si Leigh, at hindi kay Tobias.. Sino ang karelasyon mo, Leigh?" nagulat ako sa biglang pagbabago ng tanong pero hindi ko pinahalata. Lahat sila ay sakin na nakatutok.

"Actually.." biglang sabi ni Mamita kaya nabaling nanaman sakanya ang mga nanonood. "Tobias is one of my grandson." sunod sunod nanaman ang naging tanong. "Palagi ko lang silang pinagsasama ni Leigh dahil malapit silang dalawa sa isa't isa." napalingon ako kay Tobias na seryosong nakatingin sa mga tao.

"May kumalat na issue last five years ago.." anang isang reporter. "Nagpakilala si Zahara bilang girlfriend ni Tobias, kaya akala ng lahat ay mag boyfriend sila."

Hindi sinagot ni Mamita ang sinabi nila.

"Pero sino talaga ang boyfriend mo, Leigh?" sasagot na sana ako pero biglang nagkagulo ang mga reporters. Pilit nilang kinukuhanan ang taong nasa likuran ko.

"For you." nagulat ako nang may bulaklak na tumambad sakin. Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako bago bumaling sa mga reporters na nasa harap namin.

"Mr. Salvador!" tawag ng ilan.

"Kayo naba?"

"Kailan pa?" sunod sunod ang naging tanong nila tungkol samin, hindi ako makasagot dahil panay ang flash ng mga camera nila at nasisilaw ako.

"Uh." hindi maituloy ang sasabihin dahil nagkakagulo parin sila. "Hindi pa kami ni Grayson." diretsang sagot ko kaya napalingon sila sakin at nagtanong nanaman.

Chasing Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon