Two

61.7K 1.1K 30
                                    

Two

Ana's POV

Mabilis lang lumipas ang bakasyon nila sa Pilipinas, parang kulang ang dalawang linggo na bakasyon para sa kanya. hinahanap pa din ng katawan niya ang Pilipinas , iba talaga kung nasa bansang sinilangan ka.

Ngayon ang araw ng balik nila sa Paris, gusto sana niyang magstay pa ditto kahit mga ilang araw o linggo pa. kaso hindi naman niya pwedeng pabayaan ang mga kapatid niya at ang nanay niya. hindi din niya pwedeng iasa sa ate Issay niya ang mga ito.

Kasi sa kambal pa lang kulang na ang oras ng ate Issay niya.

Siya naman talaga ang panganay na anak kaya dapat lang na siya ang bahalang mag-alaga sa mga kapatid niya.

Swerte na nga silang mag-anak dahil nadala sila ng Ate Issay niya sa ibang bansa at doon nakapag-aral.

Nahihiya siya kasi ang Ate Issay niya ang lahat ng may sagot sa kanilang gastusin sa ibang bansa kaya naman iyong two years course lang ang kinuha niya para naman makatulong na siya agad sa mga ito.

Pagbalik nila sa Paris maghahanap na siya ng trabaho, kahit na may halos may tatlong buwan pa bago siya makatapos ng pag-aaral niya. tapos naman na niya halos lahat ng kailangan niyang gawin sa school, kulang nalang talaga makuha niya ang Diploma niya.

Kinausap na niya ang school nila na hindi siya papasok at hahanap na siya g trabaho, at pumayag naman ang eskwelahan niya.

Nasa airport na sila ngayon at kinailangan niyang gumamit ng comfort room kaya naman hindi niya nakitang dumating ang ate Issay at kuya Malik niya na kasama ang kambal.

Pagbalik niya agad niyang natanaw ang mga ito. papalapit na siya ng mapansin niya ang lalaking kausap ng kuya Malik niya.

Napatigil siya sa paglapit sa mga ito at pinakatitigan ang kausap ng Kuya Malik niya.

There was only one word to describe the standing infront of her Kuya Malik and Ate Issay. Where his eyes were the green of fresh dew glinting in the sunlight off a leaf of green emerald. His lips were pale and thin and his nose slender and rounded. A prominent jaw curved gracefully around and the strength of his neck showed in the twining cords of muscle that shaped his entire body; strong arms, bold thighs and calves, a firm chest and abdomen.

Adonis.

May bumonggo lang sa kanyang isang batang babae na tumatakbo kaya naman napabalik siya sa ulirat niya. pinagpatuloy niya ang paglapit sa mga kapatid niya.

"Loko, sister-in-law ko yan"narinig niyang sabi ng Kuya Malik niya ng makalapit siya sa mga ito.

"Hi, ate. Hi kuya Malik"bati niya sa mga ito at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Bumeso pa siya sa mga ito ng tuluyan na siyang nakalapit. Maging sa mga kaibigan ng ate Issay niyang sila Carla at Kyla na kararating lang. Binalingan pa niya ang kausap ng Kuya at Ate niya, nanlalaki ang mga mata nito halatang gulat.

Pero kahit na mukhang ewan ito ngayon hindi pa din maitatago na ang gwapo pa din ito.

"Where have you been?"tanong sa kanya ng Ate Issay niya.

Ngitian niya ito bago sumagot.

"CR lang"sagot niya.

Nakita niyang lumingon ang ate Issay niya sa gawi nila kuya Malik niya at sa iba pang kalalakihan. Ngayon lang niya nakita ang mga ito, hindi naman kasi sila naipakilala ni Kuya Malik niya sa mga kamag-anak nito. mga kapatid kaya ito ng Kuya Malik niya.

"Issay, pakilala mo naman ako sa kapatid mo"sabi ng lalaking kanina pa natulala sa kanya.

Asumera lang pero pakiramdam naman niya sakanya talaga nakatingin ang lalaki.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon