Fourteen

41.1K 860 11
                                    

Fourteen

Ana's POV

Nakabalik na sila sa Manila ni Benjamin, pero bago sila bumalik sa Manila dumaan muna sila sa probinsya nila para kamustahin ang mga kapatid at Nanay niya.

Nagstay pa sila ng dalawang araw sa bahay ng nanay niya.

Ipinagpaalam na din siya ni Benjamin sa nanay niya na magsasama na silang dalawa.

Hindi naman siya nagsalita o tumutul man lang habang sinasabi ni Benjamin ang mga bagay na iyon sa nanay niya.

Noong una hindi makapaniwala ang nanay niya sa sinasabi ni Benjamin pero wala naman ng magagawa ang nanay niya kundi ang payagan silang dalawa.

Bago sila umuwi ng manila, pinagrocerry pa ni Benjamin ang mga kapatid at nanay niya. binili din ni Benjamin ang lahat ng gamot ng nanay niya na para sa halos dalawang buwan na gamitan nito. maging gamit sa bahay nila doon ay bumili din ang binata. Pati ang mga kapatid niya ay ibinili din nito ng mga gamit nito.

Nagbigay pa ng pera si Benjamin sa mga ito bilang allowance ng mga ito.

Nangako pa si Benjamin sa mga ito na buwan buwan na nitong padadalan ang mga ito ng allowance.

'Bayaw' na nga ang tawag ng mga kapatid niya kay Benjamin.

Hindi na nga talaga siya pinabalik pa si Benjamin sa apartment nila ng mga kaibigan niya. pinakuha nalang nito ang gamit niya sa apartment.

"Papasok na ako"paalam sa kanya ni Benjamin.

Ito ang unang araw na papasok na ulit ito sa trabaho nito.

"Okay"iyon lang at itinuon niya ang sarili sa panonood ng TV.

Hinalikan siya nito sa ulo niya at umalis na. sa halos dalawang linggo nilang magkasama ni Benjamin sa Batangas at sa probinsya nila nasanay na siya na lagi ito sa tabi niya.

Ilang minuto palang itong nakakaalis pero pakiramdam niya hinahanap niya ang presensya nito.

"Urgh...naiinip ka lang Ana"kausap niya sa sarili niya.

Tumayo na siya at nagpasyang pumunta sa garden at magpahangin. Nadatnan niyang nandoon ang yaya ni Benjamin na si Aling Imelda.

Nakakausap na niya ang matanda ngayon, napag-utusan lang naman daw ito noon ni Benjamin na wag siyang kausapin para hindi na siya magtatanong sa matanda.

"Manang Imelda"tawag niya sa matanda.

"Ma'am Ana may iuutos po ba kayo?"tanong nito agad ng makalapit siya.

"Ana nalang po, nakakailang naman ang Ma'am Ana niyo. Hindi naman po ako teacher"biro pa niya sa matanda.

Nagtawanan naman silang dalawa doon, nagdidilig lang ito ng halaman sa hardin ni Benjmain.

"Napansin ko Manang, puro Euphorbia lang ang tanim dito. Ito ba ang paborito ni Benjamin?"tanong niya sa matanda.

Wala na kasing ibang halaman na dinidilig si Manang Imelda doon maliban nalang sa Bermuda grass na hindi naman halaman.

"Hindi naman Ana. Hindi ko din alam kung bakit ito ang nakatamin ditto. nadatnan ko nalang na puro euphorbia lang ang nakatanim dito"sagot naman nito.

"Ang boring na nga sa loob boring din sa garden"sita niya.

Natawa naman sa kanya ang matanda.

"Talagang boring ditto, maging ako naboboring na din."reklamo ng matanda sa kanya.

"Pagandahin natin ang garden Manang."bigla niyang naisip.

Wala naman silang ginagawang parehas edi magpakaabala nalang sila sa paghahalaman. Nag-aya siyang mamili ng halaman, nagpaalam muna sila kay Benjamin bago sila lumabas ng bahay.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon