Twenty-five

37K 810 22
                                    

Twenty-five

Benjamin's POV

Ang aga-aga badtrip na siya, paano naman kasi si Ana hindi na siya pinapansin nitong mga nakaraang araw. Palagi nalang sa shop iyon naglalagi, hindi na nga siya nito nadadalan ng tanghalian sa opisina paano palagi nalang busy sa shop.

Parang gusto na niyang magsisi na pinayagan niya si Ana na magtrabaho.

"Oh an gaga nakasimangot ka. Di ka nakascore kagabi?"hindi niya napansin na nasa loob pala ng opisina niya si Marco.

"Ulol, anong ginagawa mo dito?"tanong nalang niya dito.

Isama na kasi iyon sa kinaba-badtrip niya, wala ng oras sa kanya si Ana maging sa sexy time nila. Sa gabi pagdating nito kundi may dalang trabaho, sobrang pagud na kaya hindi na niya mahiritan ng sexy time.

Halos isang buwan na ung huling beses na may nangyari sa kanila.

"I just need your signature"sagot sa kanya ni Marco.

May inabot itong proposal sa kanya, binasa lang niya ang title at pinirmahan na ang tapat ng pangalan niya. may pirma na kasi ng tatlo kaya hindi na siya nag-abala pang basahin ang nilalaman.

"So, kamusta naman si Ana? Gaya din ba ng mga asawa namin na walang time satin?"tanong ni Marco ng iabot na niya ang folder dito.

"Sinabi mo pa, iniintindi ko nalang kasi bago palang ang boutique nila. Pero tangina bro, diet na ako isang buwan na yata"pag-amin niya.

"Tangina, kaw lang ba? Si Kyla ko hindi sa busy siya sa negosyo nila. Ayaw pagalaw gusto niyang magpasexy muna kagaya ni Issay. Kapag pumayat daw ulit siya doon na pwede na ulit, kainis"reklamo nito.

Natawa nalang siya sa sintemyento nilang magkaibigan. Ngakwentuhan pa sila ng ilang bagay bago ito umalis, nang maiwan siya hinarap na niya ang trabaho niya.

Halos hindi niya napansin ang oras, magtatanghalian na pala. Wala naman siyang natanggap na tawag kay Ana na pupunta ito kaya naisip niya magpapabili nalang siya ng pagkain sa secretary niya.

Nang makapag-utos siya muli siyang nagpakabusy sa trabaho niya kaya hindi niya napansin na may pumasok sa loob ng opisina niya. nagulat nalang siya ng bigla may humaplos sa kanyang balikat papunta sa kanyang dibdib.

Noong una ang akala niya si Ana kaya naman napangiti pa siya sa humahaplos sa kanya.

Naisip niya sinurpresa siya ni Ana kasi nagtalo sila kaninang umaga kaya babawi ito ngayon pero mali pala siya.

"Rice?"gulat na aniya.

"Hi Baby"mapang-akit na turan nito sa kanya.

Akmang hahalikan siya nito sa labi ng umiwas siya. Tumayo siya at lumayo ng kaunti sa dalaga.

"What are you doing here?"tanong niya dito ng makalayo ng kaunti.

"Visiting my baby"sagot nito na muling lumapit sa kanya.

This time sa sobrang bilis nitong kumilos hindi niya ito naiwasan kaya naman nayapos siya nito at ngayon nga ay kahalikan na niya.

Hindi naman niya tinutugon ang mga halik nito pilit pa nga niyang tinatanggal ang kamay nitong nakayakap sa kanyang leeg.

Tangina pag ako nahuli ni Ana nito patay na naman ako nito.

Pero sobrang higpit ng pagkakayapos nito sa kanya. hindi niya matanggal kaya naman mukha nalang niya ang inilihis niya. sakto naman na naalis na niya ang pagkakalapat ng labi nila ng bumukas ang pinto at pumasok si Ana doon.

Nawala ang kulay sa mukha niya ng makita niyang naningkit ang mata ni Ana habang nakatingin sa kanila.

"Ana, sweetheart its not what your thinking. Let me explain it first."kinakabahan na turan niya.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon