Seven
Ana's POV
Hindi na niya hinintay pa na sumagot si Benjamin ng bumukas ang elevator lumabas na siya. Hindi na niya alintana nan aka sexy bunny costume siya at halos lahat ng tao ay nakatingi sa kanya.
Pero laking gulat niya ng biglang may bumalot sa kanyang coat.
"Damn it, hindi ko pa nga nakikita ng mabuti ang katawan mo ibinabalandra mo na sa iba"inis na sabi ni Benj sa kanya.
Si Benjamin pala ang naglagay ng coat sa kanya. nakalong sleeve nalang ang binata ngayon.
Tiningnan niya ito ng masama, naiinis siya kung hindi ba naman siya hinila nito palas ng hotel room edi sana hindi siya lalabas ng ganito ang itsura niya.
"Its your fault!"sagot naman niya.
"Fvck it Ana"inis naman na sagot din sa kanya nito sabay hila sa kanya palabas.
Paglabas nila deretso lang sila sa parking lot ng hotel. Pabalyang binuksan ni Benjamin ang pinto ng sasakyan nito at sapilitan siya nitong sinakay.
"Saan ka nakatira, ihahatid na kita"madilim ang mukha nito na nakatitig lang sa daan.
Nagcross arm siya sa dibdib niya at sumandal sa labas lang ng bintana ang tingin niya. ayaw niyang makita ang lalaki sa tabi niya, ewan ba naman niya kung bakit naiinis siya ng sobra sa lalaking katabi niya.
Kung tutuusin wala namang ginawang masama sa kanya ito.
"Ana, saan ka nakatira ihahatid na kita"pag-uulit nito sa sinabi kanina.
Tiningnan niya ito ng masama.
"Just bring me back in the hotel, nandoon ang mga kasama ko. Sa kanila lang ako sasama pauwe"inis pa din niyang sagot sa binata.
"Damn it Ana, wag matigas ang ulo mo"ganting sigaw ni Benjamin sa kanya.
"Wag mo nga akong murahin"inis na naman siya dito.
Teka inis naman talaga siya kay Benjamin.
"Fvck, kung ayaw mong sabihin kung saan ka nakatira iuuwi nalang kita"bulong ni Benjamin na narinig naman niya.
Hinampas niya ang braso nito, pero parang siya pa yata ang nasaktan sa ginawa niya.
Kainis naman bakit ang tigas ng braso niya..reklamo niya.
"Stop it Ana, nagda-drive ako"saway sa kanya ni Benjamin.
"Bakit mo kasi ako hinila palas ng hotel room? Shit ka ibalik mo ako doon, tsaka bakit ka umalis sa stag party mo."patuloy pa din siya sa paghampas sa binata.
Unknowingly na nasabi niya ang mga salita na iyon. Hindi naman niya naisip ang mga sinabi niya basta nalang lumabas sa bibig niya. naramdaman niyang hininto ni Benjamin ang sasakyan sa isang tabi.
Hinawakan nito ang kamay niya para pigilan siya nito sa paghampas.
"And who told you na stag party koi yon. Wala pa akong pakakasalan para magpastag party unless gusto mo ng ikasal. Willing naman ako magsabi ka lang"nakasmirk ito habang nagsasalita na nakatitig sa kanya.
"Bwisit ka"angil niya.
"What? May nasabi ba akong mali."natatawa pa ito habang nagsasalita.
Ngayon nila lang naisip ang sinabi niya, bakit nga ba niya nasabi na si Benjamin ang ikakasal.
At bakit naiinis siya sa isipin na ikakasal na ang binata. Kaya naman inirapan niya ito at binawi ang kamay niya sa binata at naghalukipkip nalang siya at lumingon sa kabilang side ng sasakyan para maiwasan ang mga tingin ni Benjamin sa kanya.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS