Drama ni Benjamin
Benjamin's POVNagluluha ang mga mata niya habang naghihikab siya, hindi pa naman alanganin ang oras. Nang tingnan niya nga ang relo niya 10:35am pa lang ng umaga, pero inaantok na siya.
"Para kang zombie bro"sita sa kanya ni Marco.
Nasa conference room sila ngayon at hinihintay nila ang iba pa nilang kasama para sa pinatawag na meeting ni Malik.
"Nagloko kasi si Adam kagabi, hindi nagpatulog"sagot niya.
Nagloko nga pala ang bunso nila kagabi, hindi naman nila malaman kung ano ang dahil nito bakit iyak lang ng iyak. Tinatanong naman nila ni Ana kung ano ang problema ng anak nila hindi naman sila snasagot nito kundi iyak lang ng iyak.
Madaling araw na ng makatulog ang anak nila.
"Dinala na ba ni Ana sa pedia niya?"tanong sa kanya ni Marco.
"Oo, hinatid ko na sila kanina"wala pa din gana niyang sagot.
Hindi naman sila naghintay ng matagal dahil nagdatingan na ang ibang nilang hinihintay maging si Malik. hindi naman sila nagtagal sa meeting na iyon, pero buong meeting nila wala siyang naintindihan kundi ang inaantok siya.
Kaya naman nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya na mauuna na siyang umuwi dahil inaantok talaga siya. Nagpadrive pa nga siya sa isa sa mga drive doon sa company nila.
"Tatay!!!"sigaw ng mga anak niya ng makita siya ng mga ito.
Nawala naman lahat ng pagud at puyat niya ng makita niya ang bunso niyang maayos na at masigla ng sumasalubong sa kanya.
Sinugod siya ng mga ito halik at mahigpit nayakap.
"An gaga mo yata mister?"salubong din sa kanya ng asawa niya.
Napangiti naman siya ng makita ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin. Nilapitan niya ito at hinalikan sa labi nito.
"Inaantok kasi ako misis"bulong niya dito.
"Ganon ba, sige umakyat ka na doon magpahinga ka na muna. Kumain ka na ba ng lunch?"nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Hindi pa, pero wala akong ganang kumain misis. Mamaya nalang gusto ko lang talaga matulog"bulong niya dito.
"Sige akyat ka na doon."taboy naman sa kanya nito.
Naglakad na siya pakyat sa kwarto nilang mag-asawa, pero kasama niya ang mga anak nila.
Nakahiga na sila sa kama at nagkukwento ang mga anak niya ng nangyari sa lakad ng mga ito. kasama kasi ni Ana ang lahat ng anak nila na nagtungo sa Pedia para ipatingin ang bunso nila.
Nakikinig lang siya sa mga anak niya na nagkukwento ng hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sobrang puyat niya.
Nagising nalang siya sa isang masuyong halik sa kanyang mga labi. Napakingiti naman siya habang ninanamnam ang halik ng kanyang asawa.
Hindi siya magsasawa sa mga labi ito ng kanyang asawa.
"Mister gising ka na gabi na"paglalambing nito sa kanya.
"Hmmmm"ungol niya.
Ipinalibot na niya ang braso niya sa maliit na bewang asawa niya at hinapit ito pahiga sa ibabaw niya.
"Eiiii. Benjamin naman eh"tili ng asawa niya ng tuluyan na niyang naihiga ang asawa niya.
"Hmmm, lets stay like this kahit mga five minutes lang misis"paglalambing niya sa asawa.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS