Epilogue
Benjamin's POV
"Urgh.......ahhhhhhh....Benjamin!!!!!!!!!!!!!"
Aray...tama na misis...makakalbo na ako.. reklamo niya pero sa isip lang niya.
Nasa loob sila ngayon ng delivery room, kasalukuyan palang na naglalabor ang asawa niya.
"AHHHH!!!!.. Benjamin ang sakit"daing sa kanya ng asawa.
Gustuhin man niyang kunin ang sakit na nararamdaman ng asawa niya hindi niya magawa. Kaya nga ng tinanong siya ng nurse kung gusto niyang sumama sa loob pumayag na siya kahit na ninenerbiyos siya.
"Misis, konting tiis nalang makikita na natin ang baby natin"pagbibigay niya ng lakas ng loob sa asawa niya.
"Ang sakit...Benj...ahhhh"daing na naman nito sa kanya.
Muli na naman siya nitong sinabunutan, with matching wasiwas pa kaya sobra ang sakit.
"Konti nalang Ana"sabi ng kapatid niya.
"Urgh...."umiri ng todo si Ana na halos ikapatid ng litid nito sa leeg.
Awing awa siya sa asawa niya, ayaw niyang nakikitang nahihirapan ito.
"Nakikita ko na ang ulo Ana..isang iri nalang lalabas na ang baby niyo"ani ng kapatid niya.
"Misis narinig mo isang ire nalang"pagbibigay lakas loob niya.
Hinawakan nito ang kamay niya at doon ibinigay ang panggigigil nito. wala na siyang pakialam kahit pa masaktan siya basta ang mahalaga kashare siya sa hirap ng asawa niya, ito lang naman kasi ang kayang ibigay ng mga lalaki sa asawa nila. MORAL support.
Isang madiin at mahabang ire ang ginawa ni Ana, sobrang pawis na pawis na ang noo nito sa sobrang hirap nito sa pag-ire.
Ilang sandali pa narinig nila ang pag-iyak ng sanggol.
"It's a boy kuya...may junior ka na"masayang imporma ng kapatid niya.
Napag-usapan kasi nila ni Ana noon na hindi sila magpapa-ultrasound para surprise ang gender ng anak nila kaya naman sobrang natutuwa siya na may anak na silang lalaki ni Ana.
"Your heared that misis, it's a BLAZE"naiiyak niyang sabi sa asawa niya.
Umiiyak naman si Ana ng itapat na sa dibdib nito ang baby nila.
Hindi niya maexplain kung gaano ang tuwang nararamdaman niya ngayon na nakikita na niya ang ginawa nila ni Ana.
"Mister, bakit kamukha mo?"umiiyak na reklamo ni Ana sa kanya.
"Misis naman, gwapo naman ang kamukha nagreklamo ka pa"natatawa niyang sagot sa asawa.
"Hey guys, tama na ang kwentuhan. I can see another baby coming"tawag pansin ng kapatid niya.
Nanlaki naman ang mata niya, he didn't see that coming. Kambal ang anak nila.
"AHHHH!!!...Urgh"daing na naman ni Ana.
Namutla na siya ng makita niyang muli na namang nahihirapan ang asawa niya habang umiire ito para sa ikalawang baby nila.
"Benjamin, hindi ka na makakaulit...shit ang sakit...sabi ko naman kasi....tama na...ang tigas ng...ulo mo...kambal...tuloy"sermon sa kanya ni Ana in between ng pag ire nito.
"It's a Girl"tuwang tuwa na sabi ng kapatid niya ng mailabas nan g tuluyan ni Ana ang pangalawa nilang anak.
"Tangina"iyon nalang ang nasabi niya ng makita ang prinsesa niya.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS