Ten
Ana's POV
Ilang linggo na siya sa trabaho niya kay Benjamin na kung tutuusin naman nakatambay lang siya. Nakaadvance pa ang sahod niya, binigyan siya ni Benjamin ng ATM na doon daw idedeposit ang sahod niya.
Nang nagtry sila nila Tanya sa Mall nakita niyang may laman ng one hundred thousand ito. tinawag niya sa binata ang sabi sweldo niya iyon at bilin na niya ang lahat ng gusto niya at padalhan na niya ang mga kapatid niya at nanay.
Mas malaking di hamak sa sahod niya sa school at kinikita niya sa pagsasayaw niya sa club.
But she's not happy.
Parang may kulang sa kaniya na hindi niya malaman.
"Bestie, problema mo?"tanong sa kanya ni Tanya.
Nasa bahay lang sila ngayon linggo kasi, himala nga at hindi siya pinuntahan ni Benjamin ngayon hindi din siya tinawagan.
"Wala lang parang bored ako ngayon"sagot niya.
Naglilinis ng kuko si Tanya, si Liza naman kinukutingting ang mukha nito.
"Maglinis ka din ng kuko mo"sabi sa kanya ni Tanya.
"No, hindi ganyan. Parang may kulang sa buhay ko, kaya nabobored ako"sagot niya sa kaibigan.
"ano naman, love life? Aba may poging pogi ka na ngang jowa naghahanap ka pa"exaggerated na sabi ni Liza.
"Hindi ko boyfriend si Benjamin"nanlalaki pa ang mata siya habang sinasabi ito.
"Ako wag mong lokohin ha. Hindi mo boyfriend pero hatid sundo ka niya. kapag sabado at linggo nasa bahay ka ni Benjamin. Anong ginagawa niyo don kapag kayo lang tumbang preso, at pitik bulag"sagot na naman ni Liza sa kanya.
Sa totoo naman hindi niya boyfriend si Benjamin, wala silang relasyon na dalawa. Oo nga at nakita na nito ang lahat sa kanya pero hindi naman na naulit pa 'yon. Hindi naman siya naghahangad na maulit pa iyon, nahihiya na siya ng sobra sa lalaki.
Pero tuloy pa din naman si Benjamin sa pagpapahaging sa kanya. sinabi na din nitong liligawan siya nito.
Umuwi pa nga sila sa probinsya ng binata at pormal na nagpaalam ito sa nanay niya at kapatid na liligawan siya nito.
"So, mall nalang tayo mamaya. Ano game? Para naman mawala na iyang boredom mo"masayang sabi ni Tanya.
"Sige game ako dyan, libre ko kayo ng sine malaki kasi ang kita ko kagabi big time ang customer ko"sabi pa ni Liza.
Kaya naman wala na siyang nagawa pa kundi ang sumigi nalang sa sinabi ng mga kaibigan niya.
Nang nasa mall na sila hindi pa din naman naalis ang nararamdaman niyang boredom.
"Ano bakla, hindi ka pa din masaya. Nakapanood na tayo ng sine, nakakain na tayo nakabili na tayo ng bagong dress ano pa gusto mo. Manglalaki tayo?"biro ni Liza sa kanya.
Nagtawanan silang tatlo, nasa isang coffee shop sila ngayon at nagpapahinga.
"Gagi hindi, masaya ako kasi nakabonding ko na naman kayo kasi namiss ko kayo sobra."totoo ang nasabi niya.
"Ang emosyonal mo naman, buntis ka na ba?"tanong sa kanya ni Liza.
Tinapik naman niya ito sa braso, kung anu-ano kasi ang sinasabi nito.
"Pero seryoso na bestie, ano ba kasi problema mo?"tanong sa kanya ni Tanya.
"I feel like empty. Parang may kulang sakin. Maybe kasi wala naman ako talagang ginagawa ngayon sa buhay ko. Naiinip na ako ng sobra"sabi niya.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS