Three
Ana's POV
In just one week, every thing went to a mess. Sa ilang araw mula noong bumalik sila galing sa Pilipinas, kala nila maayos na ang lahat.
Sinundan pa nga ni Kuya Malik ang Ate Issay niya sa Paris para makasama ang pamilya nito. pero in just one snap of a finger nagkaloko-loko ang lahat.
Iniwanan ng Kuya Malik niya ang Ate Issay niya, without listening to her Ate Issay's explanation regarding sa misunderstanding nilang dalawa.
Inatake sa puso ang tatay ng Ate Issay niya at ngayon nakaconfine ito sa ospital dahil nacomatose ito.
Nawala ang lahat sa ate Issay niya sa kadahilanang kinamkam lahat ng kinilala nilang kaibigan nilang lahat na si Dylan Smith na pinalabas na kasal na ito sa ate niya.
May kaso pa si Ate Issay niya ngayon na kinakaharap ng dahil sa bridge of contract na ginawa ng ate niya. hindi alam ng Elena's Secret ang ginawang trabaho ng ate niya sa Pilipinas.
Tapos isama pa si Benjamin na mula noong dumating sa Paris wala ng ibang ginawa kundi ang kulitin siya ng kulitin. Kahit na nga hindi na niya ito pinapansin wala pa din ginawa ito kundi ang magpapansin sa kanya ng magpapansin.
"Ate are you alright?"tanong niya sa ate niya.
Nasa ospital sila ngayon at binabantayan ang tatay nito. kakauwe lang ng mga kapatid niya kasama ang nanay nila at ang kambal. Nagpaiwan siya para naman may kasama ang ate niya doon ngayon gabi para makapagpahinga naman ito kahit papaano.
Busy kasi ito sa paghahanap ng magiging attorney nito dahil maging ang attorney ng daddy nito bumaliktad na at kay Dylan na nakapanig.
"To be honest Ana, hindi"nakatulala nitong sagot habang nakatitig sa daddy nito.
Niyakap niya ito at hinimas sa likod ito. ito lang ang kaya nilang ibigay na comfort ditto ngayon. Wala naman kasi silang cash na naitabi kasi naman lahat inaasa nila sa ate Issay niya. kaso ngayon alam niyang kailangan na nilang bumukod sa ate Issay niya para naman makaluwag ito.
"Kaya mo ito Ate. Ditto lang kami lago sa ligod mo"pagpapagaan pa niya sa loob nito.
Naramdaman niyang may tumulong luha sa kanyang braso. Naiintindihan niya ang lahat ng nararamdaman ng ate niya, nakita niya noon kung paano ito nasaktan ng malaman niyang may asawa na si Kuya Malik niya. pero nandoon ang daddy nito kaya naman nakayanan nito bumangon. Pero ngayon maging ang tatay nito na pinaghuhugutan nito ng lakas kailangan din ng supporta.
"Ate, babalik na lang kami sa Pilipinas. Doon nalang magpatuloy ng pag-aaral 'yong dalawa. Kahit paano kung nandoon kami mababa lang ang standard of living. Kaya na namin, doon nalang ako maghahanap ng trabaho. Para naman wag mo na kaming intindihin masyado"bulong niya ditto.
"Pero...kailangan ko kayo dito"umiiyak na sagot nito.
"Sorry ate, alam ko naman iyon. Kaso kung nandito kami malaki ang expenses mo. Imagine wala ka ng work ngayon, tapos si Daddy Harrison nandito pa sa ospital. The company is not on your hands now. Ayaw ko naman maging burden pa kami sayo"paliwanag niya.
Umiling naman ito sa sinabi niya, hindi nalang niya ito pinilit sa naisip niya. Pinilit niya itong pagpahingahin muna, at sinabing siya na ang magbabantay.
Nang makaidlip na ang ate Issay niya naupo naman siya sa katabing couch nito.
Nagcecellphone siya ng biglang may kumatok sa pintuan. Ilang sandali pa pumasok doon si Benjamin kasama ang mga kaibigan ng Kuya Malik niya at ang mga kaibigan ni Ate Issay.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS