Six
Ana's POV
No choice...
So she choose to accept the job. Ang labo ano, no choice pero pinili niya.
Kaya ngayon ang start niya sa trabaho na binigay sa kanya ni Tanya. Konting kembot lang naman ang gagawin niya mamaya, bahala na nga mamaya.
"Ana, ano ready ka na?"tanong sa kanya ni Tanya.
Tapos na kasi ang trabaho niya sa TESDA kaya naman pupunta na sila sa Heaven's Club. Doon sila magta-trabaho simula ngayong gabi. Nakausap na niya ang may-ari ng club kahapon na papasok siya bilang dancer sa club nito.
Paubos na kasi ang hawak niyang pera na pinabaon sa kanila ng Ate Issay niya. hindi din niya mapagkasya ang sweldo niya sa pagtuturo. Halos lumipas din ang dalawang linggo din mula noong nakausap siya si Tanya na inalok siya nito ng trabaho bago niya ito tuluyang tinggap.
"Oo ready na"sagot naman niya.
Magkasabay na sila na nagpunta sa club kung saan sila magta-trabaho.
Nang dumating na sila doon, agad silang dumiretso sa dressing room at nagpalit.
"Ito nalang muna ang isuot mo. For sure wala ka naman custume na dala. Pahihiramin nalang muna kita. Kapag may extra ka na doon ka nalang bumili ng sayo"abot sa kanya ni Tanya ng isang sexy na parang swim suit na parang school uniform ang dating.
May necktie pa nga ito at kasamang black na stocking. Nakakita naman na siya ng ganito noon nagmo-model pa ang ate Issay niya, hindi nga lang siya nagsusuot ng ganon kasi hindi naman siya confident sa katawan niya.
A/N: costume ni Ana sa unang gabi ng trabaho niya.
Hindi naman kasi kagaya ng ate Issay niya na sobrang ganda ng katawan kahit pa nga nakapanganak na ang ate niya. for her, she's just a tipical Filipina girl. Na hindi pansinin kasi sobrang simple lang niyang manumit.
"Ito lang ang isusuot ko Tanya?"tanong pa niya kahit naman obvious naman na ang sagot.
Nginitian naman siya nito ng nakakaloko. Sa dalawang linggo ba naman kasing lumipas lagi silang magkasama na dalawa kaya naman naging close na silang dalawa.
"Hindi, wala ka kayang isusuot kundi sapatos lang Ana"pangpipilosopo pa nito sa kanya.
Inirapan nalang niya ito at nagsimula na ding magbihis kagaya ng mga kasama niya doon. Marunong naman siyang mag-ayos ng sarili niya. fashion designing ang course niya sa Paris, well may minor subject din naman doon na nagtuturo kung paano mag-ayos ng sarili.
"Wow ang ganda mo talaga Ana"puri sa kanya ni Liza.
Namula naman siya sa papuri nito sa kanya, exaggerated naman kasi kung makapuri itong si Liza sa kanya. pinagtinginan tuloy sila ng mga kasama nila doon sa sobrang lakas ng boses nito.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS