thirty-one

43.2K 844 35
                                    

Thirty-one

Ana's POV

Hindi na siya nakatulog pa mula kanina ng magising siya. Hanggang ngayon hindi pa siya makapaniwala na buntis na siya. Gusto na niyang sabihin kay Benjamin na buntis na siya, kaso naman wala naman dito ngayon ang asawa niya.

Gusto naman niya personal niyang sabihin dito na nagdadalang tao na siya.

Paglabas niya ng kwarto niya ng umaga narinig niya ang nanay niyang kausap ang ate Issay niya.

"Anak buntis ka ba?"nag-aalalang tanong ng ina nila sa ate niya.

Nagmamadali naman siyang bumaba para tingnan ang mga ito. nakita niya ang ate niya sa tapat ng lababo nila at mukhang kakagaling lang sa pagsuka dahil medyo namumutla pa ito.

Nakapa siya sa bulsa ng pantulog niya na may isa pa siyang pregnancy test kit doon. Tiningnan niya kung nagamit ba niya ito ng makita niyang bago pa naman ito agad niya itong iniabot sa ate niya.

Kita niya sa mukha nito ang pagtataka, siguro kasi bakit meron siyang ganon samantalang hindi pa naman ito nagtatanong sa kanya eh inabutan na niya ito agad.

"Palagi akong binibilan ni Benjamin ng ganyan hoping na meron ng laman"paliwanag niya kahit pa hindi naman siyan nito tinatanong.

"Meron naman na ba?"tanong tuloy ng nanay nila.

Nahihiya namang tumango siya, hindi niya kasi maamin sa mga ito na okay na sila ni Benjamin. Ang alam pa kasi ng mga ito ngayon nagmamatigas pa din siya kay Benjamin dahil hanggang ngayon hindi pa din nagkakaayos sila Ate Issay niya at kuya Malik.

"Buntis ka?"natutuwa tanong ng kapatid niya.

"Oo, pero ayoko pang sabihin kay Benj. Kukulitin lang ako 'non na magpakasal kami Ate."gusto niyang bawiin ang sinabi niya.

Kasal na kasi sila ni Benjamin isang buwan na nga kung tutuusin.

"Kahit na dapat sabihin mo pa din"sermon naman ng ina nila sa kanya.

Bumuntong hininga lang ang naisagot niya sa ina. Sasabihin naman niya talaga kay Benjamin alam kasi niyang hinihintay na ni Benjamin ang mabuntis siya. Kung alam lang ng mga ito kung ano ang ginawa ni Benjamin mabuntis lang siya.

Binalingan niya ang ate niya.

"Sige na ate magtest ka na"taboy niya sa kapatid niya.

Sandali lang naman ang itinagal ng ate niya sa loob ng banyo, paglabas nito laglag ang balikat na lumabas ng lumabas ito.

"Ano Issay?"nag-aalalang tanong ng kanilang Ina.

Hindi na ito sumagot at ipinakita nalang nito ang PT na ginamit. Kahit pa nga expected na nila na buntis nga ang ate niya nagulat pa din siya dahil buntis na naman ito.

"Grabe ate, ang lakas naman ng semilya ni Kuya Malik at nakapuntos na naman sayo"manghang reat niya.

"Ano ng plano mo ngayon Issay. Balita ko ikakasal na si Malik ilang araw mula ngayon"nag-aalala pa rin tanong sa kanilng ina.

Nakita niyang umiyak nalang ang ate niya, alam niya lahat ng pinagdadaanan nito ngayon. Naawa siya para dito pero alam niyang malapit naman ng mabuo ang pamilya nito kaya naman palalakasin nalang niya ang loob ng kapatid niya para sa ipinagbubuntis nito ngayon. Hindi ito pwedeng mastress

"Hindi ko alam inay..."humahagulgul na ito sa harapan ng ina nila.

"Shhh..tahan na anak. Malalagpas niyo din iyang dalawa ni Malik."niyakap na ito ng ina nila.

"I will tell this to Kuya Malik ate"naisip niyan g siya nalang ang magsabi nito sa kuya Malik niya.

Mabilis itong umiling sa kanyang nasabi. Hindi na ito nagsalita pa hanggang sa magsimula na silang mag-agahan na buong pamilya. Nasabi na din nila sa mga ito ang magandang balita na nagdadalang tao siya pero hindi niya sinabi ang tungkol sa pagbubuntis ng ate niya dahil nakiusap itong ito nalang ang magsasabi sa mga anak kapag nakausap na nito si Kuya Malik niya.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon