Twenty-eight

40.5K 740 25
                                    

Twenty-Eight

Benjamin's POV

Selos, kinain na ng selos ang sistema niya. hindi na siya makapag-isip ng matino habang walang pakundangan niyang inaangkin si Ana. Mula pa ng gabi ng engagement ni Malik at Naomi hindi na niya tinigilan si Ana, hindi na nga niya pinapasok si Ana sa boutique ng mga ito.

Hindi na niya talaga titigilan si Ana hangga't hindi ito nabubuntis. Tama na ang halos dalawang buwan na pagpipigil niya, naibigay naman na niya ang hilig na Ana na magkatrabaho kaya 'yong gusto naman niyang magkaanak ang ibigay nito ngayon.

Makapananghali na niya ito iniwanan at nagtungo na sa opisina nila. Ayaw pa sana niyang iwanan ito kaso kailangan niyang pumasok.

Tumawag kasi sa kanya si Marco, kaya naman kailangan niyang makipagkita sa mga ito. may kinalaman ito kay Malik at Issay kaya naman kailangan niyang puntahan ang mga ito.

Gusto na niyang matapos na ang lahat ng problema ni Malik at Issay para naman malaya na niyang pakasalan si Ana.

Kahapon ang report sa kanya magdamag na magkasama si Malik at Issay. Hindi na natiis pa ni Malik si Issay, wala namang problema sa kanila iyon alam nilang matagal ng nangungulila si Malik sa mag-iina nito.

Pero iba ang report na natanggap ng kaibigan niyang Marco sa mga tauhan nito ngayon. Tinawagan niya ang mga tauhan niya kung ano ang nangyari maging ito ay ganoon din ang naging report sa kanya.

Kaya naman pagdating niya sa opisina niya agad na iniabot sa kanya ni Marco ang folder na naglalaman ng report ng tauhan nito.

Siya ang nautusan ng mga kaibigan niya dahil nandoon daw ngayon sa opisina ni Malik si Naomi. Alam kasi ng dalaga na hindi siya in good term ni Malik kaya hindi siya paghihinalaan nito.

Hindi na siya nag-abala pang kumatok, bara bara lang siyang pumasok sa loob para naman magmukhang galit pa din siya sa kaibigan niya.

Hindi na siya nagulat sa nakita niyang eksena sa loob. Akma na kasing hahalikan ni Naomi si Malik. kitang kita niya ang reaction ni Malik na hindi nito gusto ang balak ng dalaga.

Tsk save by the bell.

"Whoa...sorry bro...inistorbo ko kayo"sarkastikong turan niya na nakatingin kay Naomi.

"No, its okay..you may sit down"sagot naman ng kaiigan niya habang inaayos nito ang pagkakaupo ni Naomi sa tabi nito.

Hindi na niya pinansin pa si Naomi kahit na sa tingin niya pinapatay na siya nito sa isip nito.

"I'm here to take you're signature"tapos inabot na niya ang folder.

Nakakunot ang noo na tiningnan ni Malik ang folder. Bubuksan na sana nito ang folder para basahin ng pigilan niya ito, napansin kasi niyang nakasilip si Naomi. Litrato pa naman nila Issay ang bubungad doon, kaya hindi dapat nito malaman ang lahat.

"Its kind a confidential..."sabi nalang niya sa kaibigan.

Nilingon naman ni Malik si Naomi sa tabi nito ngayon, mukha naman naintindihan ni Malik ang gusto niyang iapahiwatig. Kaya si Naomi nalang ang binalingan niya.

"Bakit naman, I'm his fiancée so may dapat bang ilihim saakin si Malik"pagtataray ni Naomi sa kanya.

Sabi na eh, tatarayan ako nitong babae na ito.

"Its about business Naomi. You don't have any business with us. Sorry to tell you, we strickly do business here"ganti niyang pagtataray dito.

Hindi na nagsalita pa si Malik, tumayo na ito at nagtungo na sa table nito para doon tingnan ang papel na inabot niya. Pag-upo pa lang nito agad nitong binuksan ang folder. Makahulogang napatingin ito sa kanya ng makita ang laman ng folder.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon