Eight

39.3K 851 3
                                    

Eight

A/N: Slight SPG lang...

Ana's POV

Gusto na niyang magwala sa totoo, sobrang naiinis siya na naiinip na.

Isang linggo na siyang nakakulong sa kwartong ito na pinagdalhan sa kanya ni Benjamin.

Well hindi niya actually alam kung paano siya nakarating sa lugar na ito. basta ang alam niya lang ng pagbuksan niya ng pintuan si Benjamin sa apartment nila noon araw na nagpunta ito. nakaamoy siya ng mabango tapos nahilo na siya hanggang sa nawalan na siya ng malay.

Paggising niya nasa isang hindi pamilyar na kwarto na siya, mag-isa.

Simula din noon hindi na niya nakita pa si Benjamin.

Kinakabahan pa nga siya kasi naman baka nanaginip siya noon na si Benjamin ang nasa harapan niya, yon naman pala ibang tao na at nakidnap na siya. Kasi naman hanggang ngayon hindi pa niya nakikita ang binata.

Isang matandang babae lang ang palagi niyang nakikita na nagdadala ng pagkain niya o ng kung ano pangkailangan niya.

Tulad ngayon tanghalian na kasi kaya nandito na naman ang matandang bae para dalan niya ng pagkain. Mula din ng makita niya ang matanda hindi niya pa ito narinig na magsalita, kahit tinatanong niya ito.

Minsan nga tinanong niya kung pipi ba ito umiling lang ito sa kanya.

"Manang, please palabasin niyo na ako dito. baka nag-aalala na ang mga kaibigan ko tsaka mga kapatid at nanay ko. Isang linggo ko na silang hindi nakakausap"pagmamakaawa niya dito.

Tiningnan lang siya nito, nakikita naman niyang naawa na ito sa kanya pero mukhang wala namang magagawa ito sa kanya.

"Manang please naman po oh. Tulungan niyo naman ako"muli niyang pagmamakaawa.

Pero tulad ng mga naunang pakiusap niya wala lang nangyari. Iniwanan din siya ng matanda at ang pagkain na dala nito. Gaya ng mga nakaraang araw nakalock na naman ang pinto ng kwarto kung nasaan siya. naiyak naman siya sa sitwasyon niya.

Ano po bang nagawa ko bakit ako nasa sitwasyon na ito. kausap niya sa Panginoon.

Hindi siya kumain ng tanghalian na iyon, wala kasi siyang gana. Maging ang hapunan na binigay ng matanda hindi niya ginalaw. Kung hindi lang din siya makakalabas sa lugar na iyon mas maganda na ding mamamatay nalang yata siya.

Kaso naiisip niya ang mga kapatid niya at nanay niya. paano nalang ang mga ito kung mawawala siya. Naiyak na naman siya sa naisip na iyon, kamusta na kaya ang nanay niya.

Baka wala ng pera ang mga kapatid niya ngayon na pangbaon. Ang alam din niya paubos na ang gamot ng nanay niya. mag-iisang buwan na mula ng nagpadala siya kaya malamang wala ng pera ang mga ito.

Diyos ko, tulungan niyo po akong makaalis dito. dasal niya ng gabi na iyon.

Kinaumagahan maaga siyang dinalan ng agahan ng matandang kasama niya sa bahay. Hindi pa siya tumatayo sa kama, wala siyang gana kahit gumalaw man lang.

Pakiramdam niya sobrang hina niya.

Narinig niyang bumuntong hininga ang matandang kasama niya, nakapikit kasi siya ngayon. Ayaw niyang imulat ang mata niya, siguro maghapon siyang matutulog nalang. Wala naman siyang ibang pwedeng gawin sa loob ng kwarto na ito kundi ang maupo, mahiga, kumain, manood at matulog.

Pero iba ang umaga ito, kasi habang tumatagal sa loob ang matandang kasama niya pakiramdam niya ibang tao na ang kasama niya ngayon. Lalo pa siyang nagtaka ng maramdaman niyang may umupo sa gilid ng kama niya at may humahaplos sa ulo niya.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon