Twenty
W A R N I N G
SOME PART ARE
S P G
Benjamin's POV
Back to normal?
Hindi niya alam kung back to normal ba sila ni Ana o ano. Basta mula noong umaga na umiyak siya sa harapan ni Ana hindi na nila pinag-usapan kung bakit siya umiyak ng araw na iyon.
Hindi din nagtanong si Ana kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa.
Halos isang linggo na din ang nakaraan mula noon, pero hanggang ngayon hindi pa din niya nasasabi kay Ana ang totoong nangyari.
Noong una parang okay lang sa kanya ang kinikilos ni Ana, kasi parang wala talagang nangyari as in wala. Balik na ulit sila sa routine nilang dalawa. Sa umaga ipagluluto siya ni Ana ng agahan, tutulungan siya sa paggayak sa pagpasok sa opisina, sa tanghali babaunan siya nito at sabay silang kakain, sa hapon naman makikita niya itong naghihintay na sa kanyang pagdating.
Kinakabahan na siya sa totoo lang, parang may mali kasi sa kanila kahit na gusto niyang isipin na wala.
"Mine, maaga ka bang uuwi mamaya?"tanong sa kanya ni Ana.
Kasalukuyan silang kumakain ng tanghalian nila ngayon sa opisina.
"Hmmm, hindi ko pa alam sweet. Wala naman ako schedule, depende nalang kapag may biglaan na meeting na ipatawag si Malik"sagot niya.
"Okay"nakangiting sagot nito.
Nakatitig lang siya dito habang ito naman ay patuloy lang sa pagkain.
"Benj, punta lang ako kila Tanya ha may kukunin lang ako then uuwi na ako. Maaga kang umuwi ha"bilin pa sa kanya nito ng matapos silang kumain ng tanghalian.
Nagpaalam ito sa kanya at laking gulat niya ng halikan siya nito sa labi niya. which she doesn't usually do to him, siya ang palaging nanghahalik dito not the other way around.
Buong maghapon siyang hindi mapakali sa opisina niya, iniisip niya si Ana kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Urgh!!!"sinabunutan niya ang sarili niyang buhok.
"Oh, mababaliw ka na din?"sita sa kanya ni Jake.
"Namo, anong kailangan mo at nandito ka na naman?"ganting sita niya dito.
Tumuloy lang itong naupo sa upuan kaharap ng table niya, prente lang itong nakaupo sa harapan niya at hindi nagsalita. Ilang minuto pa pumasok na din si Marco sa loob ng opisina niya.
"Kayo bang dalawa hindi nagsasawa na tumambay sa opisina ko, may opisina naman kayo ahh"sita niya sa mga ito.
"Ikaw gago ka, may nakaabot samin na balita. Kailan mo balak sabihin samin ang katarantaduhan mo?"seryosong tanong sa kanya ni Marco.
Bumuntong hininga naman siya sa tinuran ng kaibigan. Alam naman niyang hindi makakalagpas sa mga ito ang ginawa niya. alam na alam niyang malalaman at malalaman din ng mga ito ang nagawa niya.
"I made a mistake yes, nakipag one night stand ako kay Rica if you still remember her. At pinagsisisihan ko na ang nagawa ko. Okay na kami ni Ana, kaya hindi ko na sinabi sainyo"pag-amin niya sa mga ito.
"Did Ana know's about it?"tanong ni Marco.
"Tarantado ka talaga kahit kailan, si Rica pa talaga ang kinama mo. Alam mo bang pinangangalandakan ng babae mo na nagkabalikan na kayo."pagbibigay impormasyon ni Jake.
"What?"gulat naman niyang reaksyon.
Wala siyang kaide-ideya na may nangyayari ng ganon, nakapokos lang kasi siya kay Ana ngayon. Gusto niyang ibalik ang lahat sa dati kahit pa hanggang ngayon guilty pa din ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS