Eleven
Benjamin's POV
Makailang ulit siyang napabuntong hininga, nasa Heaven's Club sila ngayon. Kung saan dati nagta-trabaho si Ana. Kapag nandito siya naalala niya si Ana, ito kasi ang pinakasikat na club ngayon sa Manila.
May mga private shows kasi dito na kung gusto ng costumer na mag-all the way ang dancer gagawin iyon. No touch nga lang habang nasa loob pa ng club, kung magkakasundo ang dancer at ang costumer pwede nilang ituloy sa labas ng club.
At sa isipin na iyon nag-iinit ang ulo niya.
Naiisip kasi niya kung ilang lalaki na kaya ang nakahawak kay Ana habang nagta-trabaho ito noon sa club. Lalo na sa isipin na may ibang lalaki na ang nakaangkin sa dalaga samantalang siya naghihintay lang kung kailan siya papansinin nito.
"Hey, Benj. Ang tahimik mo naman. Asan na ang wild kong kaibigan?"puna sa kanya ni Sean.
"Wala lang ako sa mood."iyon na lang ang nasagot niya.
"C'mon dude, loosen up. And daming chickababes oh, mamaya ibibigay ko sayo ang chicks ko. She's the most hot dancer here"bulong pa nito.
"Nah, hindi na"tanggi niya.
Masaya na siya sa pag-inum nalang ng alak.
"Dude, iba 'tong babae na ito. lahat ng lalaki dito walang dating sa kanya even me. Lagi siyang tumatanggi, napakahard to get. Wala pang nakakahawak sa kanya kahit na sino. Malay mo sa charm mo bumagsak ang record niya"pang-eengganyo pa nito sa kanya.
Siguro kung noong hindi pa niya nakikilala si Ana, bibigay siya sa sinasabi nito. pero ngayon kasi wala siyang gana sa mga ganon na bagay.
Nandito lang siya para lumipas lang ang galit at tampo na nararamdaman niya kay Ana.
Ilang sandali pa nagkayayaan na sa loob ng VIP room pero siya ibinukod siya ng kaibigan niya.
Para tuloy siya ang may birthday ngayon kasi siya ang binukod ng mga ito samantalang dapat ay si Sean ang nandoon ngayon.
Nakaupo lang siya doon at hinihintay ang sinasabi na dancer.
Nandito naman na siya ngayon kaya ienjoy na niya wala naman siyang balak na hawakan ang dancer kaya sa tingin niya wala siyang kasalanan kung sakaling malaman ni Ana na nandito siya.
Hindi naman kasi malabong hindi malaman ni Ana kasi dito pa din nagta-trabaho ang mga kaibigan nito.
Iinom na siya ng beer ng bumukas ang pinto at biglang napalitan ng diim light ang ilaw doon.
Naamoy niya ang gamit na pabango ng babae na ngayon ay nasa harapan niya. nakatalikod ito at mukhang magsisimula na itong sumayaw, naghihintay lang ng tugtog.
Pamilyar sa kanya ang pabango na gamit nito. kagaya ng pabango ni Ana, kaya bigla siyang napakunot noo ng maalala si Ana. Malabo naman na nandito si Ana kasi kakahatid niya lang ito sa apartment nito kanina.
Isa pa may usapan silang dalawa na hindi na babalik doon si Ana. He will provide everything na kailangan nito, sinasagot na nga niya ang pag-aaral ng mga kapatid nito pati na ang mga gamot at therapy ng nanay nito. even the house expenses nila Ana sagot na niya para lang wag ng isipin ni Ana na bumalik sa club.
Busy siya sa pag-iisip kay Ana kay hindi niya namalayan na nagsimula na pala ang babae sa pagsayaw nito nagulat nalang siya ng humarap na ito at mapang-akit na nakatingin sa kanya.
Nagdilim ang paningin niya ng makita kung sino ang babae sa harapan niya ngayon. Madilim sa parte niya kaya hindi siya nakikilala nito ngayon.
Kitang kita niya kung paano nito igiling balakang nito sa saliw ng maharot na tugtug. Sobrang mapang-akit din ang suot nito na halos kita na din ang buong katawan nito.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS